Inaliping OFW, nagsusulong ngayon ng karapatan ng domestic workers | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Inaliping OFW, nagsusulong ngayon ng karapatan ng domestic workers

Jofelle Tesorio,
ABS-CBN Europe News Bureau
Published Jan 02, 2019 10:32 AM PHT

AMSTERDAM -- Isang Pilipina na dating trinatong tila alipin sa tahanan ng isang ambassador ang lumalaban ngayon para sa karapatan ng domestic workers.

Nagsimulang mag-trabaho sa Saudi Arabia si Corazon Espanto noong 1992 bilang mananahi. Sa sweldong $250, magaan umano ang trabaho at maganda ang trato sa kaniya ng amo. Subalit noong 1994, napilitan siyang umuwi sa Pilipinas dahil nagkaroon ng malubhang sakit ang 13-anyos na anak at tuluyang pumanaw.

Sa hirap ng buhay at 7 anak na sinusuportahan, bumalik siya ng Saudi Arabia noong 1998 bilang domestic helper. Sa suweldong $250 kada buwan, wala siyang day-off, hindi nakakalabas ng bahay at mahigit 12-oras ang trabaho. Ang nasa kontrata umano ay $350.
Nakakalabas lang umano siya ng bahay kung ihahatid niya ang 4 na anak ng amo sa eskuwelahan. Kahit umano may sakit ay hindi sila nakakapagpahinga.

“Minsan naiipit ang kamay ko sa pintuan, halos madurog ang 3 daliri ko. Iyak ako nang iyak, magpa-Pasko iyon… Pinainom lang ako ng kasama ko ng antibiotic pero nagtatrabaho pa rin ako… at hindi ako dinala sa ospital o doktor,” ayon kay Espanto.

Ang trabaho ay minsan hanggang madaling-araw. Sa kabila nito, tiniis umano niya ang lahat dahil kailangan niyang suportahan ang pamilya sa Pilipinas.

Nabuhayan ng loob si Espanto na gagaan ang trabaho nang maging ambassador sa The Netherlands ang among Arabo at kasama silang dinala doon noong 2003.
“Noong dinala ako dito, nangarap na ako noon. Siguro doon makakalabas na kami,” sabi niya. Pero walang ipinagbago ang kanilang kalagayan at tila mas malala pa ang naging sitwasyon.

“Bawal kaming magluto ng sarili naming pagkain. Iyong pagkain na niluto para sa kanila, kung ano lang ang matitira, iyon lang ang kakainin namin... Kung walang matira, sorry kami,” kuwento niya.

Kahit nasa Europa na, tila nasa ilalim pa rin sila ng tinatawag na Kafala system. Hawak ng amo ang kanilang passport, hindi nakakalabas ng bahay, hanggang 12-oras ang trabaho, at sobrang baba pa rin ang suweldo.

Kahit umano nasa bakasyon ang mga amo ay wala umano silang ligtas. Nililinis umano nila ang buong bahay, lalabhan ang mga sangkatutak na damit at binabantayan din ng security guard kung lalabas sila.

Dahil umano sa matinding hirap, nagpaalam ang 2 niyang kasamahan na uuwi dahil may emergency at hindi na bumalik.

Nakita ni Espanto ang pagkakataon na kumbinsihin ang mga amo na kunin ding household staff ang 2 anak.

“Kung tutuusin napaka-tanga ko ano? Hindi ko alam na grabe na pala ang ginawa sa amin. Pero hindi ko iyon nakita kasi ang inisip ko 350 ang sahod, tapos iyong anak ko darating doon, 300 dollars, sasahurin ng panganay ko… tapos noong kailangan talaga ng kasamang babae dahil hindi ko naman kaya na trabahuhin lahat sa bahay. May 4 na bata, maglilinis, maglalaba, lahat lahat. Eh di inoffer ko nga ang anak kong bunso, kinuha nila,” dagdag ni Espanto.

Noong mag-isa umano siya ay natitiis niya ang lahat ngunit iba kapag mga anak na ang nakikitang naghihirap.

“Iyon iyong napakasakit na makita ka ng anak mo na pumupulot ng tinapay sa basurahan... Sabi ko sa anak ko, ‘Anak, puwede pa ito. Alisin lang natin ang mold, ipainit, makakain na natin ito’. Kaya iyon iyong panahon na tapos nakikita mo ang anak mo na nagtatrabaho ng sobra-sobra, na halos umiiyak na siya, na sumusuko na siya. Pero sabi ko sa kaniya, wag kang sumuko dahil kailangan natin itong trabahong ito,” kuwento niya habang lumuluha.

Nagkataon na may isang Pinay na nagtatrabaho sa kapitbahay.

“Pag hatinggabi, nagtatago ang anak ko, inaabot ang sulat doon sa kapitbahay namin. Inaabutan kami ng pagkain kasi siya nakakaluto siya ng kaniya kasi mayroon siyang sariling bahay na tinulutulayan doon sa compound ng ambassador. Tuwang-tuwa kami kasi nakakain kami ng gusto naming pagkain,” ayon kay Espanto.
Tinutulungan din silang maka-kontak sa abogado at ibang Pinoy sa Netherlands hinggil sa kanilang sitwasyon.
“Sabi ng lawyer, we cannot help you unless na lumabas kayo para makausap naming kayo ng personal. Pero kasi hindi pupuwede nga kasi may mga bantay. At saka hindi naman namin alam kung saan kami pupunta. Eh hindi nga naman alam kung saan ang mga lugar lugar dito. So wala, parang walang pag-asa.”

Ito ang naging hudyat na magpasya na silang umalis mula sa ambassador’s residence. Nagplano sila ng pagtakas sa madaling araw, kinunan sila ng taxi ng Pinay na naging kaibigan para makapunta sa The Hague train station.

“Sabi ko sa mga anak ko, bago tayo umalis, linisin muna natin ang bahay, plantsahin at labhan natin ang mga damit para kung magagalit sila (amo) konti lang… Pagdating naming sa train station, tuwang-tuwa kami kasi nandoon na kami. Ang pera ko 25 euro. Talagang nilaan ko. Kasi kinalkula nila kung magkano ang babayaran. Sabi ng driver, you pay me 20 euro. Okay, sabi ko, keep the change, that is for you, 5 euro. Nag-tip pa ako kasi sa sobrang ligaya ko… Para kaming mga ibong nakawala sa hawla,” kuwentong may halong ngiti ni Espanto.

Pansamantalang kinupkop ng mabait na Pinay sa The Hague sina Espanto, at binigyan ng Filipino community ng suporta gaya ng pagkain at trabaho, kahit undocumented. May tumulong din na maka-renta sila ng sariling tirahan.

Tatlong taon halos nagtago sina Espanto dahil sa takot na mahuli. Nagkalakas-loob lang siyang magbigay ng interview sa Dutch media noong 2011 gamit ang alyas. Taong 2012, inilabas na niya ang kaniyang pangalan. Sa tulong ng mga organisasyong Migrante at Fairwork, dito na siya nagsimulang mangampanya laban sa modern-day slavery. Inilahad niya ang kaniyang kuwento sa iba’t ibang forum.
Noong 2014, nagbigay siya ng petisyon sa Dutch parliament para ipaalam ang nangyayaring pangaabuso sa mga domestic staff ng ilang ambassador sa The Netherlands. Hindi maaaring kasuhan ang mga diplomat dahil protektado sila ng immunity sa ilalim ng Vienna Convention.

Ayon sa Fairwork, sa loob ng 5 taon, 12 kaso ng pang-aabuso at eksploytasyon ng mga domestic staff ng mga diplomats ang naitala ngunit walang tunay na larawan kung gaano kalala ang sitwasyon. May mahigit 140 domestic workers ang nagtatrabaho sa diplomats sa The Netherlands.

Sa paglabas ni Espanto sa Dutch media at pagharap sa parliament, nagkaroon ng mukha ang modern-day slavery sa The Netherlands.

Ilan sa sinusulong ang magkaroon ang Foreign Ministry ng orientasyon at taunang convention ng mga domestic workers upang pag-usapan ang kanilang mga isyu.

Nauna nang tumangging magbigay ng panig sa Dutch media ang sangkot na ambassador. Sinikap ng ABS-CBN News na kunan ng pahayag ang embassy ng Saudi Arabia kahit pa wala na ang sangkot na diplomat sa The Netherlands, subalit hindi rin sila sumagot.

Ngayon, aktibo si Espanto sa pagtulong sa mga Pinoy sa The Netherlands, lalo sa mga biktima ng pang-aabuso, at mga undocumented. Nakatanggap siya ng pagkilala mula sa Fairwork bilang lumalaban sa modern-day slavery. Binigyan din siya ng award ng Filipino Mission in Solidarity in The Netherlands.

Ayon sa kaibigang si Agnes Van der Beek-Pavia, may ginintuang puso si Espanto.
“Somebody else helped her to get out. After that, the moment she went out, that was her goal. I’m not gonna stop helping people who are also abused,” ani Van der beek-Pavia.

Bilang volunteer cultural mediation officer ng Fairwork at presidente ng Migrante-he Hague, takbuhan siya ng mga Pinoy na nasa krisis.

“Masuwerte nga sila kasi mayroon na silang mapupuntahan na puwedeng mag asikaso sa kanila, na masasabi sa kanila kung anong puwedeng gawin. Noong araw, hindi namin alam kung ano ang gagawin. Dahil nga doon sa karanasan ko na naging biktima ako, ang sabi ko sa sarili, hindi dapat manatili ang ganitong gawain dito. Na komo isa kang dayuhan, na kapwa mo migrante na nagta-trabaho dito sa ibayong dagat na gawing busabos,” sabi ni Espanto.