Kambal na estudyante, patay sa hit and run sa Nueva Vizcaya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kambal na estudyante, patay sa hit and run sa Nueva Vizcaya

Kambal na estudyante, patay sa hit and run sa Nueva Vizcaya

Mina Trinidad

Clipboard

NUEVA VIZCAYA — Patay ang kambal na Grade 11 students na nakasakay sa motorsiklo matapos umano silang ma-hit and run ng isang van sa Nueva Vizcaya nitong Lunes.

Nagluluksa ang pamilya Balagat sa sabay na pagkamatay ng 16-anyos na kambal na lalaki matapos ang road crash sa Barangay Munguia. 

Tumakas umano ang driver ng van na nakabanggaan ng kambal at iniwan ang sasakyan sa kalsada.

Naisugod pa ang mga biktima sa ospital pero hindi na sila nailigtas.

ADVERTISEMENT


KAMBAL SASABAK SANA SA TRACK AND FIELD


Ayon sa kanilang ama na si Armando Balagat, umuwi ang kanyang mga anak nitong Lunes ng tanghali para kumuha ng mga gulay na babaunin sana nila para sa isang sports competition. 

Napipilitang magmotorsiklo ang mga biktima dahil malayo ang kanilang paaralan at walang pampasaherong mga sasakyan sa liblib nilang lugar, dagdag niya.

Masaya pa umano sila nang magkita-kita silang mag-aama at ikinuwento ang pagsabak sa track-and-field competition. Nangyari aniya ang road crash habang pabalik sila sa paaralan. 

Hiling ng ama ng mga biktima, sumuko ang driver ng van at harapin ang kaniyang pananagutan. 

Ayon sa ulat ng Dupax del Norte police, nasa magkabilang direksyon ang motorsiklo at van na nakabanggaan ng mga biktima. Paliko na sana ang van patungong kaliwa nang mangyari ang banggaan.

Bagama't tukoy na ng pulisya ang driver ng van, patuloy pa rin siyang hinahanap ng mga awtoridad.


IBA PANG ULAT:



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.