Patrol ng Pilipino: Kilatising mabuti ang perang hawak para iwas-peke | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Patrol ng Pilipino: Kilatising mabuti ang perang hawak para iwas-peke

Patrol ng Pilipino: Kilatising mabuti ang perang hawak para iwas-peke

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Nakiusap ang mga supermarket owner na pagpasensiyahan ang mga kahera kung sinisipat nang mabuti ang mga perang papel na ibinabayad ng customer.

Ito ay para masigurong tunay ang ibinabayad na pera bunsod ng pagkalat ng mga post sa social media na napepeke na rin ang P1,000 polymer bills.

Ayon naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), wala pa silang natatanggap na mga reklamo sa pekeng P1,000 polymer bills.

Gayunpaman, bilang pag-iingat, may kanya-kanyang paraan ang mga kahera’t mamimili sa pagkilatis ng pera para matiyak na hindi ito peke.

ADVERTISEMENT

Ilan sa mga palatandaan ang nakaimprentang letra na “BSP” sa sampaguita image at embossed na mga tuldok sa P1,000 polymer bill.

– Ulat ni Alvin Elchico, Patrol ng Pilipino


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.