Sapul sa CCTV: Malapitang pamamaril sa lalaki sa Tondo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sapul sa CCTV: Malapitang pamamaril sa lalaki sa Tondo

Sapul sa CCTV: Malapitang pamamaril sa lalaki sa Tondo

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Sapul sa CCTV ang malapitang pamamaril sa isang lalaki sa Barangay 119, Tondo, Maynila nitong Martes ng gabi.

Kita sa video na habang nagpapaluto sa may ihawan ang biktima, may isang lalaking umaali-aligid sa kanya.

“Paglabas nung biktima, tumayo [siya,] nanigarilyo. Pagkatapon ng sigarilyo, lumabas naman itong suspek. Dinaanan siya,” ani Kagawad Abelardo Hallig.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang suspek at malapitang pinagbabaril ang biktima.

ADVERTISEMENT

“Nung una, binaril siya sa batok. Nung pagkatumba niya, binaril pa rin siya sa tiyan. Dalawa ang tama niya,” sabi ni Hallig.

Agad na rumesponde ang ilang residente at isinugod siya sa ospital pero idineklarang dead on arrival ito.

Hinala ng barangay, onsehan sa droga ang motibo sa pamamaslang.

Napag-alaman din na dati nang may nakaalitan ang biktima.

“Dati may napatay po siya noong 2021 na tao, sa ulo rin ang tama, malapit sa lugar na pinangyarihan ng krimen."

Nang tanungin ang opisyal kung maaari bang panggaganti ang ginawa sa biktima, hinala ng awtoridad maaaring may mas malalim pang pinaghugutan ang nangyari.

Patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad ang nakatakas na suspek. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.