MMDA traffic enforcer nakaladkad ng sasakyan sa Taguig | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
MMDA traffic enforcer nakaladkad ng sasakyan sa Taguig

Jeffrey Hernaez,
ABS-CBN News
Published Aug 28, 2024 05:49 PM PHT
|
Updated Aug 28, 2024 06:43 PM PHT

Photo courtesy of Bhadong Caldozo via MMDA

MAYNILA — Pinaghahanap na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang driver ng isang pulang sasakyan na kumaladkad sa isang traffic enforcer matapos masangkot sa banggaan.

Ayon sa pahayag ng MMDA, bigla na lamang humarurot ang driver ng pulang sasakyan upang takasan ang nakasangkutang banggaan sa Taguig City noong Martes.

Sa video na pinost ng MMDA, kita ang hindi pa pinangalanang traffic enforcer na nakakapit sa unahang bahagi ng pulang sasakyan habang umaandar.

Sa direktiba ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, ipinatawag ni AGM for Operations Asec. David Angelo Vargas ang kanilang tauhan upang ilahad ang pangyayari at upang makapagsampa ng kaukulang reklamo.

Ayon sa MMDA, maaring maharap sa patong-patong na kaso ang driver ng pulang sasakyan at irerekomenda rin ang kaselansyon ng lisensya nito sa Land Transportation Office.