Barracks ng empleyado sa pagawaan ng furniture sa Parañaque, nasunog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barracks ng empleyado sa pagawaan ng furniture sa Parañaque, nasunog

Barracks ng empleyado sa pagawaan ng furniture sa Parañaque, nasunog

ABS-CBN News,

Jessie Cruzat

Clipboard

MAYNILA — Nasunog ang barracks na tinutuluyan ng 18 na empleyado ng pagawaan ng furniture sa Barangay Don Bosco sa Parañaque City, pasado alas-2 ng madaling araw nitong Sabado. 

“Paggising ko, ‘yung usok makapal na ‘yong usok. Hindi na maawat ‘yung apoy. Kumuha na ako ng timba, hindi na talaga kaya,” sabi ng residenteng si Benjamin Yulo. 

Itinaas sa unang alarma ang sunog ng 2:12 a.m. habang idineklara ng Parañaque City Fire ang fire under control ng 3:57 a.m. 

“Sa bahay po ako noon. Natutulog po. Tapos po bigla na lang akong ginising ng nanay ko. Tapos ‘pag tingin ko po sa labas, malakas na po ‘yong sunog dito. Tapos sumigaw na po ako sa compound namin para maglabasan [sila],” sabi ng isa sa mga empleyado na si Ardennis Barago. 

ADVERTISEMENT

Ayon sa barangay, dalawa ang nasugatan sa insidente. 

“For evacuation sila dito sa People’s Park natin kaya nagtayo tayo ng mga tent. Naghihintay din kung ano ‘yong desisyon ng boss nila,” saad ni Toto Jumawan, ang evacuation manager ng barangay. 

Inaalam pa ng BFP ang pinagmulan ng sunog at ang kabuung halaga ng pinsala nito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.