'Pambobola' sa Pilipinas, tampok sa binabalak na kilos protesta sa SONA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Pambobola' sa Pilipinas, tampok sa binabalak na kilos protesta sa SONA

'Pambobola' sa Pilipinas, tampok sa binabalak na kilos protesta sa SONA

ABS-CBN News,

JEFF CAPARAS

Clipboard

Sa file photo na ito mula Hulyo 2023, nagpo-protesta ang ilang aktibista bago ang pangalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo 25, 2023. Maria Tan, ABS-CBN News, file

MAYNILA — Inanunsyo ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) at iba’t-ibang people's organization ang kanilang planong mag-martsa at kilos protesta sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. 

Sa isang press conference sa Bantayog ng mga Bayani nitong Martes, inilahad ng mga lider ng mga grupo na makikiisa sila sa protesta sa darating na SONA sa Hulyo 22.

Ngayong taon, may tema na ‘Sa 'Bagong Pilipinas', Pilipino lalong naghihirap' ang programa dahil bigo umano ang pamahalaan na solusyonan ang panawagan sa taas suweldo, karagdagang trabaho at iba pang serbisyo. 

"Last week po, sinabi ng Chief PNP na sa darating na SONA sana raw ay hindi ma-inconvenience ang publiko dahil sa mga protesta, pero sino ba ang totoong perwisyo sa bayan? 'Yun bang nagpo-protesta sa ginagawa ng gobyerno [at] ipinaglalaban ang interes ng dehadong Pilipino?" sabi ni Teddy Casiño, chairperson ng Bayan.

ADVERTISEMENT

"Hindi po. Ang totoong nagpapahirap sa bayan ay ang isang gobyerno na kontrolado ng mga political dynasty, mga malalaking negosyo, makapangyarihang mga pamilya at mga dayuhang imperyalista.” 

Ilalahad daw ng mga grupo ang ilang "inconvenient truth" sa pamamalakad ni Marcos Jr, dagdag niya.

Tingin naman ng ilang grupo, lubos na ang paghahanda ng pangulo sa mga iuulat sa SONA.

“Ilang araw nagsimula na ang P29 na pagbebenta ng bigas sa National Capital Region at sa Bulacan. Sa susunod na Agosto, Setyembre ay dadalhin daw sa Visayas at Mindanao, tingin po namin ito ay politikal ang layunin para maiulat sa darating na SONA,” sabi ni Danilo Ramos na taga-pangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. 

Ayon naman kay Joanne Cesario na vice chair ng Kilusang Mayo Uno, “[s]a ‘Bagong Pilipinas’, barat pa rin ang sahod ng mangagawang Pilipino, wala pa rin pong nakabubuhay na sahod.” 

Ayon pa sa mga grupong aktibista, Inihahanda rin ang isang “oversized ball” o ‘Binobolang Pilipinas’ ang na may ‘Bagong Pilipinas’ logo at imahe ni Marcos Jr na pagpapasa-pasahan ng mga sasama sa kilos protesta. Ang bola umano ay sumisimbolo sa mga pangako ni Pangulong Marcos at ang kanyang ‘Bagong Pilipinas’ slogan. 

Pinarinig din ang ilang protest songs at may mga mini-float na inihahanda ang mga grupo. Asahan din ang BINI-inspired na kanta at slogans. 

Ipinakita rin nila ang plano nilang gawing effigy, ang madalas na tampok sa mga protesta tulad ng sa mga SONA. 

“Yung 'Bagong Pilipinas Hymn'? Don’t get us started with that, hindi nakakaganda yung 'Bagong Pilipinas Hymn' sa flag ceremony. Kawawa ang mga estudyante natin at mga kawani who [are] forced to sing such a hymn,” dagdag ni Jeune Aramburo ng Concerned Artists of the Philippines. 

Ayon sa grupo inaasahang nasa 6,000 ang makikiisa sa kilos protesta sa SONA.


IBA PANG ULAT



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.