Bato, nanawagan sa mga dating pulis at militar na maging volunteer security ni VP Duterte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bato, nanawagan sa mga dating pulis at militar na maging volunteer security ni VP Duterte

DAVAO CITY — Nanawagan si Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa sa mga dating kawani ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na nais mag-boluntaryo sa pagbigay proteksyon kay Vice President Sara Duterte kahit walang kapalit na sweldo.

Ito’y kasunod ng pagtanggal ng PNP ng 75 na pulis na dating na-assign sa bise presidente.

Sa isang Facebook post, sinabi ng senador na bayanihan lang at walang suweldo sa mga nais maging karagdagang security detail ni Duterte.

Ang primaryang may hawak sa seguridad ni Duterte, pati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa mga pamilya nila ay ang Presidential Security Command.

Noong 2022, binuo rin ang Vice Presidential Security and Protection Group para sa tumutok sa seguridad ng bise-presidente. Mayroong 433 na miyembro ang VPSPG noong taon na iyon, ayon sa report ng Commission on Audit.

Ayon sa hepe ng PNP na si Police Gen. Rommel Francisco Marbil, inilipat ang 75 sa 106 na pulis na naka-assign kay Duterte dahil sa kakulangan ng pulis sa Metro Manila.

“Ang priority po talaga namin ay [National Capital Region]. Ang laki talaga ng kulang namin na pulis d’yan,” pahayag ni Marbil noong nakaraang linggo.

DAVAO CITY MAYOR DUTERTE, NADISMAYA
Samantala, inihayag naman ni Davao City Mayor Sebastian Duterte ang labis nitong pagkadismaya sa ginawa ng PNP sa kanyang kapatid.

Aniya, hindi nga tinanggalan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si dating Bise Presidente Leni Robredo ng security detail noon dahil karapatan nito ang magkaroon ng proteksyon bilang pangalawang may pinakamataas na posisyon sa PIlipinas.

"Are you that stupid na wala ka talagang mahanap na kunin kahit paisa-isa kada region kaya o ano? You only need 75 and that 75 has to come from the security detail of the vice president," sabi ni Duterte sa kanyang podcast na Basta Dabawenyo.

"Hay, jusko ninyo. Nagpapagamit kayo sa mga pulitiko. Okay lang namang gamitin kayo para sa kabutihan, kaso gagamitin lang kayo sa mga personal na interes," dagdag ni Duterte.

Bagamat magka-alyado ang mga kampo ni Marcos at Duterte noong eleksyon, nagkaroon na sila ng hidwaan mula noon dahil sa pagkakaiba ng perspektibo sa mga usapin tulad ng charter change at West Philippine Sea.