Bahagi ng kainan sa loob ng mall sa Parañaque, natupok | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahagi ng kainan sa loob ng mall sa Parañaque, natupok

Bahagi ng kainan sa loob ng mall sa Parañaque, natupok

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Natupok ang bahagi ng isang kainan sa loob ng Ayala Malls Manila Bay sa Parañaque nitong Miyerkoles ng gabi.

Sabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) - Parañaque, nagsimula ang sunog 9:36 p.m. sa kainan na nasa sa ikalawang palapag.

Itinaas hanggang ikalawang alarma ang sunog na naapula ng 10:34 p.m.

Inaalam pa ng BFP kung may nai-report na nasugatan sa insidente, pero pasara na umano ang establisimyento nang magsimula ang sunog.

ADVERTISEMENT

Nataranta ang empleyado ng isa pang kainan na si Jovigail Galvadores nang may nakita at naamoy na usok habang sila ay nagsasara.

Kahilera lang umano ng pinangyarihan ng sunog ang kanilang pinagta-trabahuang kainan.

“Sobrang ano ng usok. Iba na rin 'yung amoy tapos nag-evacuate na rin yung mga tao. Pinapalabas na rin kami lahat. Medyo makapal 'yung usok sa second floor at sa baba,” ani Galvadores.

“Bale second floor din kasi kami. Malapit lang. Kinabahan kami lahat. Nag-panic na rin mga ka-work ko. Pasarado na rin kasi,” dagdag niya.

Sabi ni F/SInsp. Mark Tuto, Chief for Operations ng BFP-Parañaque, posibleng sa kisame malapit sa kusina ng kainan nagsimula ang sunog pero patuloy ang kanilang imbestigasyon.

“As of now under investigation pa tayo sa dahilan ng sunog. Minimal damage lang siya pero nahirapan lang maapula ang apoy dahil sa ducting dumaan ang apoy. Sa ceiling,” sabi ni F/SInsp. Tuto.

“Pwedeng sa wirings, puwedeng sa iniihaw. Possible doon (nagsimula ang sunog),” dagdag niya.

Ayon kay F/SInsp. Tuto, kinakailangan umanong sirain ang kisame para maapula ang apoy. Na-evacute din kaagad ang mga kustomer ng kainan.

Dagdag niya, may sapat din na suplay ng tubig ang mall.

“Paalala sa mga business establishment lalo na sa mga nagluluto, kailangan may preventive maintenance and paglilinis sa mga pinaglulutuan. Yung oil kasi puwede pa ring pagsimulan ng apoy,” sabi pa ni F/SInsp. Tuto.

“The mall's emergency protocols were immediately activated, and customers and mall employees were swiftly evacuated from the affected area. A joint investigation into the matter is currently ongoing. Rest assured that the safety of our shoppers is our utmost priority,” ayon sa bahagi ng advisory ng Ayala Malls Manila Bay.

Inaalam na rin ng BFP kung magkano ang kabuuang halaga ng pinsala ng sunog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.