Lupa gumuho sa ginagawang bahay sa Antipolo; 4 patay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lupa gumuho sa ginagawang bahay sa Antipolo; 4 patay

Patay ang apat na construction worker habang sugatan ang tatlo nilang kasama matapos umanong gumuho ang lupa sa construction site ng ginagawang bahay sa Bgy. Dela Paz, Antipolo, Rizal.

Ayon kay Relly Bernardo, Public Information Officer ng Antipolo City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), nangyari ang insidente alas tres y medya ng hapon nitong Miyerkules.

"Pito po 'yung natabunan, agaran po nagpunta sa site ang ating city rescue, barangay rescue at PNP na search and rescue din para po pagtulungan po," sabi ni Bernardo.

Natapos ang kanilang rescue at retrieval operations, alas sais ng gabi nitong Miyerkules.
Natapos ang kanilang rescue at retrieval operations, alas sais ng gabi nitong Miyerkules.
ADVERTISEMENT
"Apat po sa kanila ang code black. Code black po is patay na po, tatlo ang nabuhay. Iyong dalawa po ay agarang dinala sa pampublikong ospital ng Antipolo. Iyong isa naman po tumanggi naman po magpadala sa ospital," dagdag niya.

Sabi ni Bernardo, may kaukulang dokumento at permit ang may-ari ng bahay para sa konstruksyon, pero iimbestigahan pa rin aniya ng lokal na pamahalaan kung may kakulungan ba sa panig ng contractor.

"Yung po tinatayong building naman po ay with permit so nandun din naman po yung sa Office of the Building Official, kahapon para po tingnan kung ano po yung nangyari. Kung may mga ano po ba, kasi syempre approved plan po yan so iniimbestigahn po nila kung may lapses on the part of the contractor etc. That we do not have details pa po," aniya.

Nakausap na rin anila ang may-ari ng bahay na handang magbigay ng tulong sa mga biktima.

"Yung owner ng bahay na itinatayo kung saan po nangyari ang insidente ay sasagutin po o tutulong po sa pamilya ng biktima," dagdag ni Bernardo.