Lalaking nagnakaw umano ng mga gamit ng church volunteer sa Makati, tinutugis ng pulisya | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nagnakaw umano ng mga gamit ng church volunteer sa Makati, tinutugis ng pulisya

Lalaking nagnakaw umano ng mga gamit ng church volunteer sa Makati, tinutugis ng pulisya

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA – Tinutugis ng pulisya ang lalaking nagnakaw umano ng tools ng sasakyan ng isang church volunteer sa Barangay Valenzuela, Makati. 

Ayon kay Barangay Kagawad Jonjon Libao, nangyari ang insidente noong Sabado. Pangalawang beses na umanong ninakawan ng tools ng sasakyan sa lugar ang church volunteer nitong taon.

“May nag-report sa akin… na mayroon na naman daw insidente ng pagnanakaw na naganap sa kanilang kapilya sa JP Rizal Avenue. Nanakawan na naman sila ng bukas kotse sa sasakyan nila,” ani Libao. 

“Noong sinend sa akin ang video, ang nagnakaw, same din na tattoo na nakita namin sa kamay… kita rin namin na may tattoo na butterfly sa dibdib,” dagdag niya. 

ADVERTISEMENT

Makikita sa CCTV na inilawan ng lalaki ang likod ng closed van na nakaparada sa loob ng simbahan.

Maya-maya pa naghubad siya ng damit at ginamit itong pantakip sa ulo.

Saka siya pumunta sa gilid ng sasakyan at pilit na binuksan ang bintana.

Nang mabasag ang salamin ng bintana doon na pumasok ang lalaki.

Sabi ni Libao, naglakad pa umano ang lalaki dala ang isang box ng crocodile o floor jack at isang bag ng assorted tools na ginagamit sa sasakyan. 

ADVERTISEMENT

Nakunan din ng CCTV ang pagsakay ng lalaki sa jeep.

Ayon sa church volunteer, ginagamit niya ang sasakyan sa mga opisyal nilang lakad sa simbahan. 

“Mababa lang kasi ang pader ng church, fence lang siya actually, puwedeng hakbangan,” sabi ng biktima. 

“Nalaman na lang namin Sunday early morning. Yung tools lang talaga ng sasakyan. Floor jack tsaka assorted tools… Mayroon siyang (suspect) markings na nakita namin sa first na nakaw, yun din ang markings niya sa second na pagnanakaw. Noong unang nakaw is binuksan niya ang bintana,” dagdag niya. 

Kumbinsido siya na isang lalaki lang ang nasa likod ng dalawang insidente ng pagnanakaw dahil sa kanyang mga tattoo. 

ADVERTISEMENT

Sabi ni PMaj. Allan Hernandez, hepe ng Makati Police Community Precinct - 1, patuloy nilang pinaghahanap ang lalaki.

Patuloy din ang kanilang pag-iimbestiga at backtracking sa kuha ng mga CCTV.

“Napakababa ng gate ng simbahan kung saan naka-park yung sasakyan. Pangalawa, walang masyadong tao sa mismong area,” ani PMaj. Hernandez. 

“Patuloy ang police sa paghahanap sa suspek, kung saan siya posibleng pumunta, o kung ang tao na ito ay lumalakad mag-isa o may kasama – kung grupo sila,” dagdag niya. 

Mas pinaigting na ng pulisya ang pagpapatrolya para maiwasan na ang pagnanakaw sa lugar. 

IBA PANG ULAT: 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.