QCPD naghahanda na para sa seguridad sa SONA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
QCPD naghahanda na para sa seguridad sa SONA

Members of the Quezon City Police District conduct civil disturbance drills at Camp Karingal in Quezon City on July 7, 2023, in their preparation for the State of the Nation Address (SONA) on July 24. Jire Carreon, ABS-CBN News/File

MAYNILA — Puspusan na ang paghahanda ng Quezon City Police District para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22.

Ayon kay QCPD Director PBGen. Redrico Maranan, mahigit 6,000 mula sa kanilang hanay ang ide-deploy.

Nagsimula na aniya silang magpulong para sa ilalatag na seguridad.

"Magkakaroon tayo ng tinatawag ng SIMEX, communication exercises at yung mga contingency planning nang sa ganun habang lumalapit yung petsa ng SONA ng ating pangulo ay tuloy tuloy tayo ng paghahanda," sabi ni Maranan.

"Historically, mayroon tayong mga lugar na binabantayan. Unang-una yang Welcome Rotonda, QC Memorial Circle at siyempre itong kahabaan ng Commonwealth at ang pinakamahalaga yung vicinity ng Batasan Complex," dagdag ni Maranan.

Kabilang din aniya sa mga pag-uusapan sa mga susunod na pagpupulong ang pagde-deploy ng K9-units, paglalagay ng signal jammer at kung ipagpapabawal ang paggamit ng drone sa ilang area malapit sa Batasang Pambansa.

Inaayos na rin ang traffic at rerouting plan.

Dagdag pa ni Maranan na magpapakalat din ng mga pulis na nakasuot ng civilian clothes.

"Yes, magpapakalat tayo ng sufficient number of plainclothes policemen nang sa ganun mas bumilis at makakuha tayo ng mga impormasyon na kinakailangan natin para sa finetuning at adjustmeng ng mga security plan," ani Maranan.

Sinabi rin ng opisyal na plano rin nila na dagdagan ang bilang ng mga ide-deploy na mga pulis at makikipag-ugnayan sila sa mga grupo na magkikilos protesta para hindi na maulit ang nangyari sa protesta ng grupong MANIBELA kung saan may nasaktan na isang mamamahayag.

"Gustong gusto natin maiwasan yung mga ganung klaseng scenario, kaya this time tinitingnan natin yung pagde-deploy ng mas maraming uniformed policemen at gusto natin magkaroon tayo ng mga dialogue doon sa ating mga grupo na binabantayan nang sa ganun mailagay natin sila sa maayos na lugar," sabi ni Maranan.

Kinumpirma rin ni Maranan na magpapatupad sila ng gun ban at liquor ban simula Hulyo 21.

"Isang araw bago maganap ang SONA ng ating Pangulo ay yung mga tindahan na nagbebenta ng alak ay pinagbabawal, manghuhuli tayo diyan. Intensify natin yung monitoring natin sa paligid lalong lalo dito sa Quezon City at kung sinuman ang lalabag sa liquor ban ay yun ating huhulihin," sabi ni Maranan.

Sa ngayon, sinabi ng QCPD na nawala silang namo-monitor na banta sa seguridad kasabay ng paghahanda sa SONA ng pangulo pero hindi sila nagpapakakampante.

"Sa ngayon wala tayong namomonitor na seryosong banta sa gaganapin na SONA ng ating Pangulo but nevertheless hindi tayo nagpapabaya and we do not let our guards down. Tuloy tuloy ang pangangalap natin ng mga information and once na meron tayong makuha mag aadjust yung ating security environment," giit ni Maranan.

Read More:
QCPD
Quezon City Police District
SONA
State of the Nation Address
seguridad
Tagalog news
2024 SONA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT