Tricycle owners umalma sa MMDA clearing operations sa Mabuhay Lanes | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tricycle owners umalma sa MMDA clearing operations sa Mabuhay Lanes

Tricycle owners umalma sa MMDA clearing operations sa Mabuhay Lanes

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 25, 2024 07:39 PM PHT

Clipboard

MAYNILA — Muling sinuyod ng MMDA ang ilang Mabuhay Lanes sa Quezon City matapos matanggap ng mga reklamo na pabalik-balik lang din ang mga sasakyan na iligal na pumaparada sa mga kalsada na dapat ay alternatibong ruta sa mga motoristang umiiwas sa tindi ng traffic sa EDSA.

Kabilang sa mga dinaanan ng clearing operation ang Scout Ybardolaza Street, Judge Jimenez at Aurora Boulevard.

Umalma ang mag-asawang "Anton" at "Susan" sa clearing team matapos hatakin ang tricycle na gamit nila sa kanilang pagtitinda.

Nagkasagutan pa sina MMDA Strike Force OIC head Gabriel Go at ang mag-asawa.

ADVERTISEMENT

“Nay makinig muna kayo, pinadlock n’yo po sa kalsada…eh hindi nga pupuwede, kalsada ‘to eh, pina-podlock n’yo sa kalsada,” pakiusap ni Go kay Susan.

“Sabi sa barangay namin, ilabas yung motor namin kasi nga may papasok na truck, hindi kami papayag na laging ganyang ginagawa sa 'min, lagi kaming pinag-ti-ripan,” sagot ni Susan sa MMDA.

Paliwanag ni Anton, iniakyat lang nila saglit ang kanilang tricycle sa bahagi ng kahabaan ng Judge Jimenez Street dahil ginagawa ang eskinita sa kanilang lugar.

“Sana naman, pagbigyan yung pakiusap ng misis ko….wala rin naman kamin pera, yun lang kabuhayan namin sa pagtitinda sa sidewalk… baka hindi kami kumain kasi dun nga lang kami kukuha ng pangkain,” sabi ni Anton.

Pero sabi ng MMDA, hindi ito rason para gawing paradahan ang kalsada lalo’t parte ito ng Mabuhay Lanes bilang alternatibong ruta.

Ayon sa chairperson ng Barangay Kamuning, malinaw naman sa kanila at sa mga residente ng kanilang barangay na ang Mabuhay Lanes ay bawal paradahan sa lahat ng oras para hindi makadagdag sa traffic.

”Yan po ay mga Mabuhay Lane na declared ng MMDA so totally bawal po ang mag-park po sa lugar na yan…kung nagpa-park pa rin sila eh wala po tayong magagawa kapag sila ay nadaanan so park at your own risk,” sabi sa ABS-CBN News ni Armida Castel, chairperson ng Barangay Kamuning.

Aminado ang MMDA na matindi na ang traffic sa ilang pangunahing kalye sa  Metro Manila kaya naman, malaking bagay anila kung malilinis mula sa mga sagabal ang mga alternatibong ruta na gaya ng Judge Jimenez.

Sabi ng MMDA, kung magiging patuloy na makulit ang mga motorista na iligal na pumarada sa mga lugar na bawal - hindi naman sila magsasawang balik-balikan din ang mga ito para manghuli .

Umabot sa 49 ang naging huli ng MMDA, 22 dito ang nahatak at dinala na sa impounding area ng MMDA sa Barangay Tumana sa Marikina City.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.