PNP chief iginiit na walang destabilization plot laban kay Marcos | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PNP chief iginiit na walang destabilization plot laban kay Marcos

MAYNILA — Mariing iginiit ni Philippine National Police chief General Rommel Francisco Marbil na walang destabilization plot at walang planong patalsikin ng PNP si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang pahayag ng opisyal matapos ibunyag ni dating Senador Antonio "Sonny" Trillanes IV na may plano umano ang kampo ni dating Pangulog Rodrigo Duterte na patalsikin sa pwesto si Marcos at sangkot dito aniya ang ilang PNP officials.

"That's really not true, wala pong ganyan, there is no issue for us na magkaroon ng destabilisasyon, walang ganon. Yung mga pulis natin ngayon mas happy sila ngayon e are providing them with so much tulong kaya nga wala silang issue na lumaban sa gobyerno," sabi ni Marbil.

Sinabi rin ng opisyal na walang loyalty check na ginagawa ngayon sa kanilang hanay.
Sinabi rin ng opisyal na walang loyalty check na ginagawa ngayon sa kanilang hanay.
ADVERTISEMENT
"Nothing about loyalty check we don't do that, marami po tayong intelligence to tell our President ng loyalty check wala pong ganyang nanagyayari," paliwanag ni Marbil.

Tiniyak ni Marbil na tapat ang buong hanay ng PNP sa konstitusyon at supurtado nila ang Bagong Pilipinas project ng administrasyon.

"I just want to clear wala pong issue and all doon sa PNP natin ay very loyal po sa constitution natin and they are are very supportive sa Bagong Pilipinas sa project ng ating Presidente po," ani ni Marbil.

Read More:
PNP
Philippine National Police
Rommel Francisco Marbil
Ferdinand Marcos Jr.
destabilization plot
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT