Makati road rage incident 'case closed' na, ayon sa PNP; suspek kakasuhan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Makati road rage incident 'case closed' na, ayon sa PNP; suspek kakasuhan

Suspek sa road rage shooting sa Ayala Avenue-EDSA tunnel sa Makati City, Mayo 29, 2024. PNA photos by Joan Bondoc

MAYNILA — Inihahanda na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng reklamo laban sa suspek na namaril at pumatay sa kapwa motorista sa Makati dahil sa umano'y road rage.

Naaresto ang suspek noong Miyerkoles.
Naaresto ang suspek noong Miyerkoles.
Ayon kay PNP spokesperson Jean Fajardo, ilan sa tinitingnang kaso ay murder at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition law at Land Transportation and Traffic Rules.

Nagpositibo sa gun powder residue ang suspek at nag-match ang basyo ng bala at baril sa ballistics examination. Bukod pa dito ang positibong pagkilala sa suspek ng mismong mga biktima.

Posibleng ngayong Huwebes o Biyernes ng umaga maisampa ang reklamo laban sa suspek.

“Case solved ito dahil nahuli natin ang suspect at under custody at identified siya at isasampa yung kaso. So sa parameters ng PNP ay considered solved na itong kaso na ito,” sabi ni Fajardo.

Pauwi na ang driver ng puting multi-purpose vehicle (MPV) na may sakay na babaeng pasahero at isang menor de edad nang pagbabarilin siya ng suspek na nasa itim na kotse.

Kinilala ang biktima na si Aniceto Mateo, 65.

Ayon umano sa pasaherong babae, hindi nakipagsagutan ang biktima sa suspek. Wala din umanong bumaba sa kotse para makipag-away o magkomprontasyon.

Dagdag ng pamilya ng biktima, limang buwan pa lang namamasukan bilang family driver ang biktima na taga-Tarlac.

KAUGNAY NA VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT