Registered owner ng kotse sa EDSA Ayala road rage incident tukoy na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Registered owner ng kotse sa EDSA Ayala road rage incident tukoy na

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAKATI — Tukoy na ng pulis ang registered owner ng kotse na ginamit sa pamamaril ng isang 66-anyos na lalaki sa EDSA-Ayala tunnel sa Makati City nitong Martes.

Ayon sa Southern Police District, nakipag-ugnayan sila sa ibang kagawaran ng gobyerno tulad ng Land Transportation Office para makuha ang pangalan ng may-ari.

Inaalam din ng SPD ang profile ng suspek sa pamamaril.

“As of now, based doon sa record ng LTO, meron na tayong pangalan kung kanino nakaregister 'yun. So ang e-establish na lang natin of course is kung sino talaga 'yung driver ng Mercedes Benz na kulay itim na gamit ng suspek natin doon sa pamamaril,” sabi ni PCol. Jessie Tamayao, Deputy District Director for Administration ng Southern Police District.

“Patuloy ang investigation natin. We coordinated with all concerned agencies the LTO, of course sa prosecutors natin about possible filing of court order ng hold departure ng concerned possible suspect natin,” aniya.

Ayon kay PCol. Tamayao, pauwi na ang driver ng puti na multi-purpose vehicle (MPV) na may sakay na babaeng pasahero at isang menor de edad nang pagbabarilin siya ng suspek na nasa itim na kotse.

“Actually family driver 'yung nasawi na victim. Magkasama sila tapos sinundo nila 'yung anak ng kanilang amo doon sa eskwelahan dito sa Taguig City. Then along the way nung pauwi na sila, from Kalayaan flyover, heading towards EDSA Southbound doon palang sa baba meron ng gitgitan ng sasakyan between the suspect’s vehicle and vehicle ng biktima,” kwento niya.

Ayon umano sa pasahero na babae, hindi nakipagsagutan ang biktima sa suspek.

Wala din umanong bumaba sa kotse para makipagaway o magkomprontasyon.

“Hindi naman nakipag-argue or whatsoever 'yung biktima. In fact nagbigay 'yung biktima ng tuloy tuloy na bumusina 'yung suspek. However, before sila bumaba sa may Ayala Tunnel, doon na biglang binaril ng suspek 'yung victim,” sabi ni PCol. Tamayao.

Kaso ng road rage ang isa sa tinitingnang anggulo ng pulis, pero hindi nito isinasantabi ang iba pang motibo.

“Titingnan natin 'yung other possible, posibleng anggulo ng insidente. Maaari na may iba pang anggulo ito. Ito yung subject for follow up investigation natin,” sabi ni PCol. Tamayao.

Dagdag ng pulis, stay-in driver ang biktima sa pinagtatrabahuang negosyante.

Ayon sa pamilya ng biktima, limang buwan pa lang namamasukan bilang family driver ang biktima na taga-Tarlac.

Tumangging humarap sa media ang pamilya ng biktima. Pero nagpaabot ng mensahe ang anak.

“Sabihin niyo na lumantad siya. Makonsensya siya sa ginawa niya. At sa mga nakakakilala o makakita, ipagbigay alam pulisya at sa mga kawani ng gobyerno. Nanawagan po kami na tulungan kami na mabigyan ng hustisya ang tatay namin,” sabi sa mensahe.