Cedric Lee, sumuko sa NBI | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Cedric Lee, sumuko sa NBI
Cedric Lee, sumuko sa NBI
MAYNILA — Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Cedric Lee, matapos mahatulang guilty sa serious illegal detention case sa kanya ng aktor na si Vhong Navarro.

Sinabi ni NBI Director Medardo de Lemos, may namagitan sa kampo ni Lee at ng NBI at nagsabing gusto nang sumuko ng negosyante.

"Ito ay kusang loob niya. May namagitan sa amin na gusto niyang sumuko kaya kami ay nakipag-ugnayan kay Cedric Lee," sabi ni De Lemos.

“Gusto nga niyang sumuko para tuloy-tuloy na ang pagbibigay atensyon sa mga legal na hakbang sa kaso,” dagdag niya.
“Gusto nga niyang sumuko para tuloy-tuloy na ang pagbibigay atensyon sa mga legal na hakbang sa kaso,” dagdag niya.
ADVERTISEMENT
Ligtas umano ang negosyante sa ahensya at mahigpit ang seguridad sa lahat ng mga nakadetene.

Sabi naman ni Cedric Lee, dedepensahan niya ang sarili niya hanggang sa huli.

Itinanggi din niya na idinitene nila si Navarro sa insidente noong 2014.

“Mag-aappeal kami. We will exhaust all legal remedies… Walang illegal detention na nangyari. Kung titingnan niyo lahat ng elements ng crime, wala. So we never detained him for more than a day. We never inflicted serious physical injuries," sabi ni Lee.

Hindi rin umano sila nanghingi ng pera kay Navarro.

“Hindi ransom yun. Wala yung mga elements. Nagkasakitan lang ng kaunti. Slight injuries. May nasaktan din naman sa amin noong lumaban siya. Hindi naman dapat magkaroon ng life imprisonment para sa bugbugan lang,” aniya.

“Alam naman niya ginawa niya… napasubo na lang siya, baka ang career niya maapektuhan,” sabi pa ng negosyante.

Nang tanungin kung bakit sa NBI siya sumuko, sabi ni Lee, na pakiramdam niya ay mas ligtas siya doon.

Ibabalik ng NBI ang kopya ng warrant of arrest sa korte ng Taguig, at sinabi ni De Lemos na hihintayin nila ang susunod na kautusan ng korte kung ito ikukulong.

“Kapag sinabi na ‘bukas dalhin sa isang facility,’ dadalhin namin. Kami ay mag-aantabay sa kung ano ang sasabihin,” sabi ng NBI director.