5 arestado sa pag-aalok ng pekeng annulment ng kasal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

5 arestado sa pag-aalok ng pekeng annulment ng kasal

5 arestado sa pag-aalok ng pekeng annulment ng kasal

Niko Baua,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Limang suspek ang inaresto sa pag-aalok ng mabilisan annulment ng kasal, kahit hindi nagpapakita sa korte o ang tinatawag na non-appearance. 

Inaresto sa Quezon City ang isang babae sa entrapment operation ng NBI cybercrime division. 

Nag-aalok siya umano ng pagproseso ng annulment case sa halagang P250,000.

Kasama rin sa serbisyo niya ang baguhin ang relihiyon ng kliyente, para makapag-asawa muli.

ADVERTISEMENT

“Puwedeng magpa-Muslim divorce ang Katoliko basta willing si client magpa-convert to Muslim," sabi ng suspek.

Sa hiwalay na entrapment operation, inaresto naman si alyas "Jackie." Nasa P100,000 naman ang singil niya para rin sa annulment case na 1 to 3 months na processing, kung saan hindi na raw kailangan humarap sa husgado. 

Naaresto rin sa parehong modus ang mag-live in partner. Ayon sa NBI, gumawa pa ng pekeng social media page ng RTC ang mga suspek para mapaniwala ang mga biktima. 

Bukod pa ito sa ibang page na ginawa para palabasin na lehitimo ang transaksyon. 

Naging talamak daw ang modus kaya mismong Korte Suprema na ang nag-utos sa NBI na mag-imbestiga. 

Nagbabala ang NBI sa publiko na huwag maniwala sa mga ganitong alok at dumaan sa tamang proseso sa pagpapa-annul ng kasal.

”If you are serious enough to transact na late registration o annulment process sa legit na office, gawing face to face. I-verify niyo, tawagan niyo kung yung kausap niyo ay authorized na process," sabi ni Jeremy Lotoc, hepe ng NBI Cybercrime Division.

Nakikipag-ugnayan na ang NBI sa mga korte para ma-verify ang mga annulment resolution na pinapakita ng mga suspek. 

Nanawagan din ang NBI sa iba pang mga nabiktima sa parehong modus na mag-report sa kanilang himpilan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.