Mahigit 30 Pinoy chefs bida sa libro ng award-winning Filipina writer | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mahigit 30 Pinoy chefs bida sa libro ng award-winning Filipina writer

Mye Mulingtapang,
TFC News Italy
Published May 01, 2024 02:55 PM PHT
|
Updated May 01, 2024 02:58 PM PHT

Nagbibigay ng iba't ibang pananaw at karanasan sa pagluluto ang librong isinulat ng UK-based Filipino-Italian writer na si Jacqueline Chio-Lauri. Ang contributors ng "We Cook Filipino: Heart-Healthy Recipes and Inspiring Stories from 36 Filipino Food Personalities and Award-Winning Chefs" ay mula pa sa iba't ibang panig ng mundo.

May mga kilalang chef, restaurant owner, food writer, blogger, podcaster, at recipe developer na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan sa pagluluto ng pagkaing Pinoy. Ang kanilang mga kuwento at alaala ay nagbibigay-buhay sa bawat pahina ng aklat at nagpapakita kung gaano kalawak ang kultura ng pagkain ng Pilipinas.

Ayon kay Chio-Lauri, nais niyang bigyang diin ang kahalagahan ng pagbabahagi ng kaalaman at karanasan sa pagluluto, pati na rin ang pagpapalaganap ng kultura ng pagkain ng Pilipinas sa buong mundo. Ang libro ni Chio-Lauri ay tinanghal sa 2023 Gourmand World Cookbook Award.

“I wanted the selection of contributors to reflect the diversity of our cuisine. So "We Cook" has a diverse bunch of contributors from different backgrounds and different parts of the world. I wanted to get as wide of a range of perspectives and representation as I could. And just like our food culture, I tried to be as inclusive as possible,” sabi ni Chio-Lauri.

Pinangunahan naman ng Philippine Embassy sa Rome ang pagtitipon na pinamagatang "Kumain ka na?" bilang pagdiriwang ng Filipino food month ngayong buwan ng Abril, tampok ang launching ng award-winning recipe book na "We Cook Filipino” kung saan Ibinida ang kamangha-manghang koleksyon ng mahigit 50 heart-healthy recipes at kuwento na hindi lang"from the heart" kundi "good for the heart" din.

Kabilang sa dumalo si Director-General Qu Dongyu ng Food and Agriculture Organization ng United Nations (FAO), Philippine Department of Agriculture (DA) Undersecretary Asis Perez, kasama si Deputy Counsellor Cristina Costa, mula sa Italian Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation.

Ayon kay Ambassador Neal Imperial, sa Pilipinas, gaya sa Italya, ang pagkain ay nagbubuklod sa pamilya, mga kaibigan, at komunidad, kung saan ang lutuing Pilipino ay kilala bilang “family “food o “home food” at karamihan sa mga lutuin ay iniingatan at ipinamamana sa mga susunod na henerasyon.

Kasama rin sa pagtitipon ang food at travel writer, recipe developer at photographer na si Rowena Dumlao-Giardiana. Nagbigay sina Chio-Lauri at Dumlao-Giardina ng malalim na kaalaman sa kayamanan ng kulturang Pilipino sa pagkain, ibinahagi rin nila ang naging inspirasyon sa likod ng recipe book, at kung gaano kahalaga ang “bayanihan” sa paglikha ng aklat na ang mga kontribusyon ay galing sa sampung iba’t ibang bansa.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Italy, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Photos courtesy of Rowena Dumlao-Giardina

Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT