Ilang OFW sa Taiwan, na-trauma dahil sa lindol | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Ilang OFW sa Taiwan, na-trauma dahil sa lindol

ABS-CBN News Taiwan Correspondent,
Marie Yang
Published Apr 05, 2024 05:46 PM PHT
Tatlong araw matapos yanigin ng 7.2 magnitude na lindol ang Taiwan, ramdam pa rin ng Filipina factory worker na si Suzie ang trauma dahil sa naranasang malakas na pagyanig.

Gaya ng nakagawian, nila-live ni Suzie sa social media ang kanyang paggy-gym.

Kwento ni Suzie: "Galing po ako ng trabaho pang night shift po ako dumiretso po ako ng gym. Bale yung gym na yun is company gym. Nasa kabilang building po sya nasa 4th flr. Naglalive po ako. Madalas po ako mag-live habang naggy-gym. Sa kalagitnaan ng pagla-live ko yung isang staff doon medyo malakas ang boses n'ya, napalingon ako sa kanya tapos nakaramdam ako ng pagkahilo. Yun nga po, lumilindol na po s'ya ng pagkalakas-lakas po. Nataranta na po kaming lahat. Sa 7 years ko po dito, ngayon ko lang po naranasan yung ganon kalakas na lindol at tumagal ng ganon. Kasi paminsan-minsan po lumilindol po at bahagya lang. Sa sobrang takot ko taranta na po ako at di 'ko na alam ang gagawin nanginginig na ako sa sobrang takot.”

Ibinahagi rin ng factory worker na si Rolando "Olan" Reyes na labis na nag-alala ang kanyang pamilya sa Pilipinas nang malaman na lumindol sa Taiwan.

“Actually maraming message po talaga nong nabalita po agad yun sa Pilipinas at yun kinamusta nga po ako at yun nga po sinabi ko na okay naman kami dito at ligtas naman kami, at yun nga po salamat sa Panginoon at iningatan niya kami dito sa lugar ng Hualien,” sabi ni Reyes.

Nakabasag-basag naman ang mga produktong granite sa pinagtatrabahuan ng Filipino factory worker na si Gabriel Labrador.

“Nag-uumpisa po kami sa trabaho ng factory at andon pa po kami sa harap ng factory namin ang ano po talaga ay sobrang lakas, nagngangalit na di mo maintindihan sobrang lakas po talaga. Mga produkto ho namin na granite ay nagkabasag. Talagang di po namin maipaliwanag kung gaano kalakas yung lindol na yun,” sabi ni Labrador na nagtatrabaho sa granite factory sa Hualien.

Si Loida Salazar Hu, isang Filipina na residente na ng Hualien, ay takot pa rin hanggang ngayon dahil sa nangyaring pagyanig.

Sabi ni Loida, “Noong araw na yun nakahiga pa ako then nag-usap kami ng kaibigan ko then afterwards biglang lumindol ng 7:58 so nagulat ako at yanig ng yanig. For the first time in 26 years ko dito sa Hualien na ganyan kalakas na lindol!”

Sa ngayon, halos balik-normal na ang pamumuhay sa Taiwan lalo na sa Hualien -- ang epicenter ng lindol na isa rin sa mga dinarayong destinasyon ng mga turista.

Maliban sa tumagilid na residential building, malinis at maayos na uli ang mga kalsada at balik-normal na ang transportasyon. Pero nangangamba pa rin ang mga residente dahil sa maya't mayang aftershocks.