PANOORIN: Epekto ng lindol sa isang OFW sa Taiwan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: Epekto ng lindol sa isang OFW sa Taiwan

Bayan Mo,
Ipatrol Mo
Published Apr 03, 2024 01:18 PM PHT
|
Updated Apr 10, 2024 04:06 PM PHT

MAYNILA — Malakas ang ikot ng chandelier sa dining area sa bahay ng employer ni Bayan Patroller Rialyn Ignacio, isang Overseas Filipino Worker sa Taipei City, Taiwan na tinamaan ng 7.4 magnitude na lindol ngayong araw, April 3, 2024.

Kwento ni patroller, ramdam na ramdam ang pagyanig lalo na at nasa 12th floor ang pwesto ng kanilang unit sa condominium building na tinitirhan.

Makikita sa bidyo na ibinahagi ni Bayan Patroller Rialyn ang malakas na pag-ikot ng chandelier habang lumilindol kanina. Nagbahagi din siya ng bidyo ng mga nagbagsakan ng gamit sa loob ng banyo.

Kwento ni patroller, 13 taon na siyang OFW sa Taiwan at karaniwan na sa kanya ang makaramdam ng pag-uga dahil sa lindol pero ito na aniya ang pinakamalakas na lindol na kanyang naranasan.

Gayunpaman ay tiniyak naman ni Bayan Patroller Rialyn na maayos ang kanyang kalagayan pero nananatili pa rin ang takot dahil may nararamdaman pa siyang aftershocks. — Dabet Panelo, ABS-CBN News