'Huwag pilitin bumiyahe': Mga rider pinayuhang mag-ingat sa sobrang init | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Huwag pilitin bumiyahe': Mga rider pinayuhang mag-ingat sa sobrang init

'Huwag pilitin bumiyahe': Mga rider pinayuhang mag-ingat sa sobrang init

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 27, 2024 12:39 PM PHT

Clipboard

MAYNILA — Nagpaalala ang isang grupo ng mga motorsiklista sa mga kapwa rider na magdala ng tubig, umiwas sa matinding init at tulungan ang mga 'kagulong' sa gitna ng matinding init na nararanasan sa Pilipinas nitong huling mga linggo.

Sa isang post sa Facebook, sinabi ng Kapatiran sa Dalawang Gulong, o Kagulong, na may pangamba ng heat stroke para sa mga rider na madalas at matagal buniyahe sa ilalim ng araw.

"Umaabot na sa 43 degrees celsius ang heat index, mga Kagulong. Delikado na ito sa ating mga bumibiyahe kaya't maging handa at alamin ang mga dapat gawin," sabi ng grupo.

Inabisuhan ng grupo ang mga rider na laging magbaon ng tubig at na magpahinga sa malilim na lugar kung nakakaramdam ng hilo at pagod.

ADVERTISEMENT

"Huwag pilitin ang sarili na bumiyahe sa kainitan ng araw," dagdag ng grupo.

Nagbigay rin sila ng hakbang na puwedeng gawin kapag may kapwa rider na na-heat stroke:

  • Dalhin sa malilim na lugar o kaya indoors
  • Pahigain o pasandalin na elevated ang paa
  • Painumin ng tubig
  • Hubarin ang pang-itaas na damit at punasan ng telang basa ng malamig na tubig ang balat
  • Paypayan at iwasan siyang mapalibutan ng maraming tao
  • Maglagay ng yelo sa kili-ili, braso, bukong-bukong at singit

  • Ayon sa Department of Health, isang medical emergency at heat stroke at dapat dalhin ang pasyente sa ospital o health center matapos bigyan ng pangunahing lunas.

MGA 'INFORMAL WORKERS'

Sa bagong report ng International Labour Organization, sinabi nito na nasa 2.4 bilyong manggagawa ang humaharap sa matinding init bawat taon na humahantong sa 22.85 milyon na occupational injury at sa pagkamatay ng 18,970.

Ang mga delivery at motorcycle taxi rider na bahagi ng informal economy ang nasa pinakamalaking panganib sa mga climate change hazard tulad ng matinding init dahil madalas ay wala silang worker safety protections o akses sa serbisyo at imprastraktura laban sa mga hazard, dagdag ng ILO.

Dahil kailangan kumita, maraming informal worker ay napipilitang magtrabaho kahit na may panganib na dala ng extreme climate event.

Bagamat may mga guideline na inilabas ang Department of Labor and Employment para protektahan ang mga manggagawa, iginiit ng Kilusang Mayo Uno ngayong Abril na dapat sakop ng mga ito ang mga informal worker tulad ng mga delivery at motorcycle taxi rider.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.