Belgium at Pilipinas magtutulungan sa semiconductor industry | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Belgium at Pilipinas magtutulungan sa semiconductor industry

Belgium at Pilipinas magtutulungan sa semiconductor industry

TFC News

Clipboard

LEUVEN - Inihayag ni Department of Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual sa kanyang meeting sa semiconductor industry leaders ng Belgium kamakailan ang hangarin ng Pilipinas na mapaunlad ang semiconductor industry ng bansa. 

 

Sa kanyang meeting sa mga opisiyal ng IMEC at SEMI Europe sa IMEC headquarters sa Leuven, Belgium, sumentro ang kanilang usapan sa posibilidad na mag-set up ng state-of-the-art semiconductor wafer production facility sa Pilipinas.


Brussels PE photo 


                                                                           

Ang SEMI ay ang nangungunang semiconductor industry association sa buong mundo, samantalang ang IMEC ay ang nangungunang leading independent nanoelectronics R&D hub sa buong mundo na nakabase sa Leuven, Belgium. 

Brussels PE photo 

                                                                           

Binigyan si Pascual ng tour sa ultra-modern clean room wafer research facility ng IMEC kung saan dito ginagawa ang mga advance 200 hanggang 300-mm semiconductor wafers.
 
Nakipagkita rin si Pascual sa mga Filipino researchers na nagtatrabaho sa IMEC. 

Hinimok niyang bumalik sila sa Pilipinas o ibahagi ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng online platforms para sa mga estudyanteng Pilipino na interesadong matuto ng chip design at research.
 
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan a Belgium, tumutok sa TFC News sa TV Patrol. 


Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.