5 bayan sa Mindoro nagdeklara ng state of calamity dahil sa El Niño | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
5 bayan sa Mindoro nagdeklara ng state of calamity dahil sa El Niño

Palayan na apektado ng El Niño sa Bulalacao, Oriental Mindoro, Pebrero 25, 2024. Dennis Datu, ABS-CBN News

Nadagdagan pa ang mga bayan sa Oriental at Occidental Mindoro na isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng El Niño sa mga sakahan ng mais, palay, sibuyas at iba pang high value crops.

Sa Oriental Mindoro, nasa state of calamity na rin ang bayan ng Mansalay kung saan umabot na sa P400 milyon ang halaga ng pinsala sa mga pananim.

Sa panayam sa Teleradyo Serbisyo, umapela si Mayor Ferdinand Maliwanag sa national government ng tulong.

“Kailangan po talaga namin ng tulong mula sa national government, bigyan kami ng ayuda dito. Yung mga senador, congressman, baka pwde kami matulungan, cash assistance po,” sabi ng alkalde.

Sabi ni Mayor Maliwanag, tuyong-tuyo na ang kanilang sakahan at mga ilog kaya hindi na makapagtanim.

Una nang isinailalim sa state of calamity ang katabing bayan ng Bulalacao.

Sinabi ni Bulalacao agriculture pfficer Rommel De Guzman na nagsimula na ang Department of Agriculture na mamahagi ng P5,000 na financial assistance sa mga magsasaka.

Nasa state of calamity na rin ang tatlong bayan sa Occidental Mindoro, kabilang ang Magsaysay, San Jose at Looc.

Ayon kay Engr. Alrizza Zubiri, provincial agriculture officer, umaabot na sa P196 milyon ang halaga ng pinsala ng El Niño sa buong probinsya ng Occidental Mindoro habang nasa P30 miyon naman ang pinsala ng pesteng harabas or army worm.

Dahil tatlong bayan na ang nasa state of calamity, sinabi ni Zubiri na maaaring ideklara ang state of calamity sa buong probinsya ng Occidental Mindoro.