P850k halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa online seller | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P850k halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa online seller

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Arestado ang isang babaeng online seller at dalawa pang tulak umano na ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Dionisio, Parañaque City nitong Martes.

Ayon sa pulisya, tinuturing na High Value Individuals (HVI) ang mga target na sina alyas “Weng” at alyas “Jerico”, habang Street-Level Individual naman si alyas “Erwin”.

“Initially, may mga transaction sila online but itong ginawa nila ngayon, kaliwaan. High value, ibig sabihin mataas ‘yung drugs na nakuha natin sa kanila,” sabi ni PCol. Reynon Garduque.

Nagsagawa ng test buy ang mga operatiba at nang mag positibo, saka ikinasa ang buy-bust kung saan tumambad ang higit 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P850,000.00.

“Tinitingnan natin kung meron pang ibang malaking grupo na pinagkukunan nila ng drugs. 'Yung ating mga kababayan na maliliit na consumer, dini-distribute nila within Parañaque area,” sabi ni PCol. Garduque.

Itinanggi ng suspek na si alyas Jerico na sa kanya ang mga nakumpiskang kontrabando.

“Kinuhanan lang po nila ako ng pera. First time po (makulong). Ayun lang po ‘yung nakuha nila sakin, pera lang po," sabi ni alyas Jerico.

Hindi nagbigay ng pahayag ang dalawa pang suspek.

Sinabi ng pulisya na hamon para sa kanila ang paghuli sa mga suspek na nakikipagtransaksyon online. Kaya hinihikayat nila ang mga courier na makipag-ugnayan sa kanila kung may kahina-hinalang padala.

“Ito nga ay napakahirap na i-detect, unless makipagtulungan ‘yung ating mga courier service,” sabi ni PCol. Garduque.

“I-profile nila kasi usually kung medyo kahina-hinala ‘yung nagpapadala, kung kanino ibibigay, at medyo malakas ‘yung kutob mo na ito ay illegal contraband, mainam na i-report na lang sa amin muna,” dagdag ni PCol. Garduque.

Nasa kustodiya ng pulisya ang tatlong suspek na mahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.