Milyun-milyon bumisita sa Antipolo Cathedral matapos ang 'alay lakad' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Milyun-milyon bumisita sa Antipolo Cathedral matapos ang 'alay lakad'

Tinatayuang nasa 7.4 milyon na ang dumagsa sa Antipolo Cathedral para sa Alay Lakad 2024. Kuha mula sa Facebook page ng The Antipolo Cathedral.

ANTIPOLO, Rizal – Milyun-milyong tao ang pumunta sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o mas kilala bilang Antipolo Cathedral nitong Huwebes Santo hanggang madaling araw ng Biyernes Santo matapos ang kanilang “alay lakad” o penitential walk procession.

Galing pa sa iba’t ibang lugar ang mga sumama sa alay lakad, na sinimulan ng maraming mga mananampalataya nitong Huwebes ng hapon.

Isa sa kanila ay si Arlene Ramos, na sinabing panata na niya ito 3 taon na. Galing pa umano siya ng San Mateo, Rizal at higit isang oras na naglakad papunta sa simbahan.

“Masaya naman kasi may mga kasama ako. [Pinagdadasal ko] ang good health, para sa mga anak ko, pahabain pa ang buhay,” ani Ramos.

ADVERTISEMENT
“Madaming [tao]. May mga nagbibigay naman ng tubig,” dagdag niya.

Galing pa ng Masinag, Antipolo si Joanna Marie Garcia para sa alay lakad, na paraan niya para ipakita ang kanyang debosyon kay Hesu Kristo ngayong Semana Santa. Dalaga pa siya ay ginagawa na niya ito.

“[Ito ay] pasasalamat para sa mga blessings,” aniya. “[Pinagdadasal ko ang] good health, more blessings, at sa tita ko na may sakit ngayon na gumaling sa ospital,” dagdag niya.

Limang oras naman ang nilakad ni Joanne Mae Lizardo para sa debosyong ito.

“Mainit talaga pero sobrang nakakahinga nang maluwag kasi nagawa ko na ulit ito mula nang lockdown. Sabi ko itutuloy ko ito,” ani Lizardo.

Sa tala ng Antipolo Cathedral, pumalo sa 7.5 milyong tao ang bumisita sa Antipolo Cathedral mula 4 a.m. ng Huwebes Santo hanggang 4:30 a.m. ng Biyernes Santo.

Ang ganitong dami ng tao at kanilang sakripisyo ay pagpapahayag ng pananampalataya ng mga Kristiyano, ani Rev. Fr. Reynante Tolentino, Shrine Rector ng Antipolo Cathedral.

“Para maglakad ka nang nakayapak mula Paranaque, Quezon City, iba ‘yun. Malalim ang pinanggagalingan. Actually, yung pananampalataya nila sa ating Panginoon Hesu Kristo at debosyon sa Mahal na Birhen,” sabi ni Fr. Tolentino.

Namamahagi ng tubig at lugaw ang simbahan sa mga dumalo.

May lugar din na inilaan sa kanila para makapagpahinga sila pagkatapos maglakad.

“Simula Marcos Highway, may mga volunteer na religious group or civic groups na nagbibigay ng pagkain na libre. Kaya napakaganda nitong alay lakad natin,” dagdag ni Fr. Tolentino.

Nakapagtala ang simbahan at Antipolo Police ng 3 insidente ng pagnanakaw.

Ikinalungkot ni Fr. Tolentino ang nangyari.

"Dumadating ang sobrang dami ng tao, may mga mananamantala o mayroong tsamba lang -- nalaglag o nakuha. Mayroon talagang sinasadya [na magnakaw] kaya dapat talaga mag-ingat. Huwag tayong masyadong maging generous sa pagbigay ng cellphone o wallet sa iba. 'Yung iba kasi minsan hindi napapansin na naiwan na natin," sabi niya.

Ayon kay PLtCol. Ryan Manongdo, hepe ng Antipolo PNP, iniimbestigahan nila ang mga kaso ng pagnanakaw.

“Tinitingnan natin ang CCTV kung ano talaga ang nangyari. With this kind of crowd, logical naman na magkakaroon tayo ng insidente na ganyan. We could say na very minimal as to the number of people na dumayo sa atin,” sabi ni PLtCol. Manongdo.

Isinara muna ang simbahan ng alas-6 ng umaga para sa disinfection at muling bubuksan makalipas ang isang oras para sa mga mangungumpisal.