Magnanakaw ng motorsiklo sinabing linipat lang ang sasakyan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magnanakaw ng motorsiklo sinabing linipat lang ang sasakyan

JOB MANAHAN ,
ABS-CBN News
Published Feb 08, 2024 08:45 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

TAYTAY, Rizal – Arestado ang isang lalaki matapos magnakaw ng motorsiklo ng kapitbahay sa Taytay, Rizal, Linggo ng gabi.

Noong Sabado ng gabi, makikita sa CCTV ang pag-iikot ng 26-anyos na suspek sa puwesto ng motorsiklo sa Sitio Batasin 1, Brgy. San Juan. Matapos magmanman, umalis ang suspek sa parking lot.

Pagbalik niya, dito makikita na napaandar na niya ang motorsiklo at umalis sakay ng motorsiklo.

"Ipinark niya (biktima) ‘yung motor niya and then the following day, pagbalik niya wala na. Nai-report niya 'yun sa sitio chairman and then ang ginawa ng sitio chairman, ni-review yung CCTV. Upon review, nakilala. Kapitbahay lang ng victim," ani PLtCol. Gaylor Flores Pagala, Taytay Municipal Police Station.

“Kung mapapansin natin, sa CCTV along the street lang 'yung motor. Kitang-kita natin sa CCTV, dinistrunka niya 'yung susi and eventually nahitak niya,” dagdag ni Pagala.

Hindi na nakapalag pa ang suspek nang arestuhin at hindi na siya nagdahilan pa sa mga pulis.

"Kilalang-kilala siya (base) doon sa CCTV. Wala siyang maikakaila," ani Pagala.

Depensa ng suspek, pagkakawanggawa umano ang kanyang ginawa dahil inilipat niya ang motorsiklo. Bawal umano mag-park sa lugar.

"Nagamit ko 'yung motor na kinuha ko sa tapat ng bahay namin. 'Yung lock ng motor niya sira. Bawal i-parking kasi ia-adjust ko sana doon para hindi mahuli ng barangay. Na-ano ko ‘yung lock ng coins – gumana," ayon sa suspek.

"Dahil tapat ng bahay namin, ililipat ko sana," dagdag ng suspek.

Inamin ng suspek na inikot niya sandali ang motorsiklo at wala umano siyang planong ibenta ang motorsiklo.

Humingi ng tawad ang suspek sa biktima.
Humingi ng tawad ang suspek sa biktima.
Mahaharap siya sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Law Act of 2016.

Dati nang may kasong illegal gambling ang suspek, sabi ni PLtCol. Pagala. Nanawagan siya sa mga barangay na magdagdag pa ng CCTV para sa sa mabilis na pagresolba ng mga kaso.

"Importante yung (CCTV) para mai-record natin kung ano ang nangyayari sa isang lugar. Ine-encourage natin itong barangay natin na kung pwede kahit saang sulok ng barangay, napakalaking tulong niyan," aniya.