Grupo ng film director wala sa Catanauan nang mangyari ang arson: CCTV | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Grupo ng film director wala sa Catanauan nang mangyari ang arson: CCTV

Grupo ng film director wala sa Catanauan nang mangyari ang arson: CCTV

ABS-CBN News,

Dennis Datu

 | 

Updated Feb 06, 2024 06:54 PM PHT

Clipboard

MANILA — Wala sa Bgy. Dahican sa bayan ng Catanauan, Quezon ang grupo ng film director na si Jade Castro nang mangyari ang panununog ng isang pampasaherong e-jeepney noong January 31, batay sa nakuhang CCTV ng ABS-CBN News.

Pinagtibay nito ang nauna nang sinabi nina Castro at ilang LGU officials ng Mulanay, Quezon na wala sila sa pinangyarihan ng krimen.

Sa CCTV noong oras na mangyari ang pagsunog ay nasa bayan ng Mulanay ang grupo ni Castro. Halos 30 minuto ang layo ng Mulanay sa lugar kung saan nangyari ang insidente.

Sa naunang report ng Catanauan police, bandang 7:30 ng gabi noong January 31 nang harangin at sunugin ng apat na armadong lalaki ang modern jeepney sa Bgy. Dahican.

ADVERTISEMENT

Pero sa CCTV footage na nakalap ng ABS CBN News, makikita na bandang 7:14 ng parehong gabi ay nakunanan ang pagdaan ng kotse nina Castro sa Mulanay-San Francisco road sa Bgy. Poblacion 3.

Galing ang grupo ni Castro sa Barangay Butanyog kung saan naroroon ang kanilang tinutuluyang Micasa Resort.

Sa kaparehas na oras, kita rin sa CCTV na papasok ang kotse nina Castro sa San Carlos street patungo sa municipal plaza.

Bandang 7:16 p.m., nahagip na ng CCTV footage ang pagdating ng kotse nina Castro sa municipal plaza ng Mulanay.

Bandang, 7:25 p.m., makikita si Castro na nakasuot ng dilaw na t-shirt na naglalakad sa plaza na may hawak na cellphone at kinukunan ng video ang mga nagrerehearsal para sa Ginoong Cocolunay festival.

ADVERTISEMENT

May kopya na ng CCTV ang pamilya ni Castro, na patuloy pa rin nakakulong sa Catanauan municipal police station.

Pero para kay Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, regional director ng Calabarzon PNP, hindi sapat na batayan ang CCTV footage para mapatunayan na wala sa crime scene ang mga suspek.

“CCTV cannot be 100 percent proof na ang CCTV na yan is kuha sa oras na yan, it might be altered sa technology natin ngayon,” sabi ni Lucas.

Unang nanindigan si Lucas na ang mga suspek ay positibong itinuro ng mga testigo kabilang ang drayber at conductor ng modern jeepney na sinunog.

KAUGNAY NA VIDEO



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.