Jade Castro at 3 kasama, inilipat na sa BJMP Catanauan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jade Castro at 3 kasama, inilipat na sa BJMP Catanauan

Mula sa detention cell ng Catanauan Municipal Police Station sa Quezon Province, inilipat na ng kulungan noong Martes sa BJMP sa Catanauan ang film director na si Jade Castro at tatlong kasama na kinasuhan ng destructive arson dahil sa bintang na sumunog sa modern jeepney noong January 31.

Ayon kay Atty. Michael Marpuri, legal counsel nina Castro, ang paglilipat sa BJMP ay batay sa inilabas na commitment order ni Catanauan RTC Branch 96 Judge Julius Francis Galvez.

Naghain naman ng motion to quash ang kampo nina Castro sa Catanauan RTC Branch 96 para maibasura ang kasong isinampa sa grupo ng film director.

Una nang inaresto ang grupo nina Castro dahil sa akusasyong pagsunog ng jeepney sa bayan ng Catanauan, Quezon.
Una nang inaresto ang grupo nina Castro dahil sa akusasyong pagsunog ng jeepney sa bayan ng Catanauan, Quezon.
ADVERTISEMENT
Pinabulaanan naman ito ng mga opisyal ng Mulanay, Quezon na nagsabing mga turista ang grupo ni Castro na nakikisaya sa pagdiriwang ng Cocolunay Festival.

Naglabas na rin ng CCTV video ang mga opisyal na nagpapakitang nasa bayan ng Mulanay ang grupo ni Castro noong oras na sinunog ang jeep. Halos 30 minuto ang layo ng Mulanay sa lugar kung saan nangyari ang insidente.

Umaasa ang legal counsel team na pagbibigyan ng korte ang kanilang mosyon.

"If the motion to quash is granted the case will be dismissed and uuwi na sina Jade, and if the court denied the motion to quash then we will go to trial," sabi ni Atty. Marpuri.

May sampung araw ang prosekusyon para sumagot o magbigay ng komento sa mosyon ng kampo ng mga akusado.
May sampung araw ang prosekusyon para sumagot o magbigay ng komento sa mosyon ng kampo ng mga akusado.
ADVERTISEMENT
May sampung araw din ang korte para resolbahin ang mosyon.

Dahil sa inihaing mosyon, ipinagpaliban muna ng korte ang pagbasa ng sakdal kina Castro.

Hindi na pinapunta sa korte sina Castro at sa halip ay naging online na lamang ang kanilang naging pagdalo sa unang hearing ng kaso nitong Miyerkoles ng hapon.

Nakatakda sa March 12 ng 1pm ang susunod na pagdinig sa kaso.