Lalaking namatayan ng 4 na aso sa sunog, sinariwa ang masasayang alaala ng mga alaga | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking namatayan ng 4 na aso sa sunog, sinariwa ang masasayang alaala ng mga alaga

Lalaking namatayan ng 4 na aso sa sunog, sinariwa ang masasayang alaala ng mga alaga

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Unti-unti nang natanggap ng dog lover na si Rolly Abijay ang pagkawala ng kanyang mga alagang aso na nasawi matapos masunog ang kanilang tinitirhang bahay sa Sta. Cruz, Manila nitong Huwebes ng umaga. 

Sa panayam sa ABS-CBN News, ikinuwento ni Abijay ang kahalagahan ng kanyang mga fur babies na sina Kiray, Maui, at Kiara – na sinubukan pa niyang i-revive nang makuha sa nasusunog nilang bahay. Nasawi rin ang isa pang alagang aso na ibinigay niya sa kanyang biyenan na si Luna. 

Bagaman sinubukan niyang pumasok sa kanilang nasusunog na bahay para kunin ang mga aso, sabi ni Abijay, hindi siya umabot at pinigilan din siya ng mga bumbero dahil delikado ang sitwasyon. 

“Noong makita ko sila, hindi sila sunog. Alam kong na-suffocate lang sila kaya sinubukan ko silang i-revive. Lahat ng paraan ginawa ko. Sa akin, ang aso ko importante 'yan dahil kapag may ibang taong pumupunta sa pintuan namin, tumatahol ‘yang tatlong ‘yan eh,” aniya. 

ADVERTISEMENT

“Sa umaga, kasabay kong mag-almusal ‘yan,” dagdag niya. 

Maglilimang-taon niyang alaga si Kiray – ang kulay brown at pinakamalaki nilang aso. Magdadalawang taon naman niyang kasama sina Maui at Kiara.

Mga matatalik na kaibigan na raw kung maituturing ang tatlong alagang aso. 

“Hinahalikan ako sa labi ng mga ‘yan kaya nagagalit ang asawa ko. Sa totoo lang, ngayon lang ako umiyak sa ganyan, kung medyo maaga na nakauwi ako, siguro hinabol ko talaga. Bibitbitin ko,” aniya. 

Bukod sa mga nasawing aso, sunog ang buong bahay ng pamilya ni Abijay kaya nangangailangan din sila ng tulong pinansyal sana para makapagsimula muli. 

ADVERTISEMENT

Nakatakda niyang ilibing ang mga aso sa pet cemetery sa may Blumentritt bago mag tanghali at tutulong na sa pag-ayos ng kanilang bahay. 

“Yung bahay, puwedeng palitan, pero ‘yung aso medyo mahirap makakita ng aso na ganyan kalambing. Malambing sa akin yang mga aso ko,” aniya. 

SITWASYON NG MGA NASUNUGAN

Sa mga tent muna pansamantalang naninirahan ang higit 100 na pamilya na nasunugan. Walang naisalbang gamit si Amalia Afundar, na nagluluto nang mangyari ang sunog. 

Kailangan umano nila ng pambili ng bubong at materyales sa paggawa ng bahay bukod sa pagkain, tubig, at damit. 

Nangangamba rin si Afundar na ire-relocate sila matapos ang sunog. 

ADVERTISEMENT

“Mas lalong mahirap. Dito kahit barong-barong, may sarili kaming bahay na tinutuluyan,” aniya. 

“Kung pwede lang kahit lang panggawa ng yero para sa bahay namin, sariling sikap na lang,” panawagan niya. 

Nasa probinsya umano ang marami sa kanilang kamag-anak, kaya umaasa siya sa tulong na makukuha mula sa gobyerno at mga magmamagandang-loob para maitayong muli ang kanilang bahay. 

Nangako ng tulong ang barangay para sa mga nasunugan. Isa sa mga hamon ngayon ang init sa tent pagsapit ng hapon at kawalan ng kuryente sa kanilang lugar. 

“Nagbigay tayo ng gamit sa pangtulog, makakain nila sa almusal sa umaga, at mga damit na kailangan nila,” ani Kagawad Alex Buenviaje. 

ADVERTISEMENT

“Mainit talaga (sa mga tent). Hindi natin maiiwasan,” dagdag niya. 

Magbibigay ng pang-almusal, tanghalian, at hapunan ang barangay sa mga nasunugan. Nakapagpalista na rin ang mga nasunugan para sa tulong ng gobyerno. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.