Lalaking bagong laya, patay sa pamamaril sa Baclaran | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking bagong laya, patay sa pamamaril sa Baclaran

Lalaking bagong laya, patay sa pamamaril sa Baclaran

ABS-CBN News,

Ron Banila

Clipboard

Patay ang isang lalaki nang barilin sa Baclaran, Parañaque City nitong Huwebes na gabi.
 
Sa inisyal na impormasyon mula sa pulisya, kumakain ang lalaki sa bahagi ng E. Rodriguez Street, kanto ng Taft Avenue sa Baclaran nang pagbabarilin ng di pa nakikilalang salarin.
 
Nagtamo ng tama sa ulo ang biktima na agad niyang ikinasawi.
 
Ayon kay Police Col. Reycon Garduque, ang hepe ng Parañaque City Police, kalalaya lang sa kasong droga ng biktima.
 
Patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.