Sanggol na inabandona sa gasolinahan, bumubuti na ang lagay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sanggol na inabandona sa gasolinahan, bumubuti na ang lagay

Sanggol na inabandona sa gasolinahan, bumubuti na ang lagay

JEFF CAPARAS,

ABS-CBN News

Clipboard



MAYNILA — Bumubuti na ang lagay ng bagong silang na sanggol na inabandona sa banyo ng isang gasolinahan sa Quezon City noong nakaraang linggo, sabi ng pulisya, Lunes.

Nananatili sa East Avenue Medical Center ang sanggol na araw-araw binibisita ng mga pulis, ayon kayQuezon City Police District (QCPD) Station 9 commander PLt. Colonel Ferdinand Casiano.

“Pinangalan natin siyang 'Baby Malaya' kasi sa Barangay Malaya nangyari yung [pag-abandona] sa bata… Yung Women’s Desk natin nangangalaga sa kanya, in coordination sa barangay welfare desk ng Malaya,” sabi ni Casiano.

Sinasagot ng QCPD ang lahat ng gastusin sa ospital, kabilang na ang mga gamot na kailangan bago nila i-turn over sa Department of Social Welfare and Development ang sanggol.

ADVERTISEMENT

Dagdag ng QCPD, masuwerteng agad na na-rescue at nadala sa ospital si Baby Malaya. Inabutan kasi nilang may nakabusal sa bibig nang matagpuan siya sa ilalim ng lalabo ng banyo.

“Very lucky kasi at least na-rescue natin agad yun, kung di natin na-rescue agad yung bata ay maaaring mamatay. Kasi on the spot yun that time may naka salpak na tissue [sa bibig ng bata], so medyo ni-revive lang natin siya para ma-recover yung bata,” dagdag ni Casiano.

Patuloy namang tinutugis ng pulisya ang mismong ina ng bata na nag-abandona rito, maging ang 3 pang kasama nito.

“Yung sa identity ng sasakyan, nakapag-request na rin kami ng ano sa HPG (Highway Patrol Group), sa LTO (Land Transportation Office) at may mga resulta naman yung mga request… May linaw na kung sino, ma-identify naman natin kung sino yung mga tao 'to,” sabi ni Casiano

“Kumpleto na ang backtracking natin kung saan siya nanggaling at saan siya nag exit, so nalaman na natin saan siya nagmula,” dagdag niya.

Nakatakdang isampa ang kasong abandoning of minor sa ina ng bata at mga kasama nito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.