Wing van bumangga sa modern jeep sa SLEX; 1 sugatan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Wing van bumangga sa modern jeep sa SLEX; 1 sugatan

Sugatan ang isang estudyante matapos bumanga ang isang wing van truck ang kaniyang sinasakyang modern jeepney sa West Service Road ng South Luzon Expressway sa Muntinlupa City, bandang 6:09 ng umaga nitong Huwebes.

Nagdulot din ng matinding trapiko sa kahabaan ng SLEX ang nasabing insidente.

Nalapatan kaagad ng first aid at hindi na nagpadala ng ospital ang nasugatang pasahero na si Maricar Serrano na estudyante ng Paranaque City College.

Ayon kay PCpt. Jordan Bongat, hepe ng RHPU-NCR SLEX Sub-office, may biglang iniwasan na motorsiklo ang wing van truck na minamaneho ni Jeffrey Cahanap kaya ito tumama sa railings ng SLEX at tumagilid.

ADVERTISEMENT
Sa pagtagilid nito, tumama ito sa dumadaan na modern jeepney na minamaneho naman ni Roland Kunisada.

Galing Baclaran ang modern jeep at patungo sanang Sucat habang northbound naman ang wing van.

Nagkasundo ang drayber ng dalawang sasakyan na hindi na magsasampa ng kaso at sasagutin na lamang ng insurance ang pinsala.