Nagpakilalang Army reservist, arestado sa pangingikil sa isang Chinese | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nagpakilalang Army reservist, arestado sa pangingikil sa isang Chinese

Nagpakilalang Army reservist, arestado sa pangingikil sa isang Chinese

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Arestado ang isa nagpakilalang army reservist matapos mangikil sa isang Chinese na may kinakaharap na kaso sa Quezon City nitong Martes. 

Kwento ng asawa ng biktima, nagpadala ng mensahe ang lalaki at nagpakilalang driver ng kaibigan ng kanyang mister. 

“May problem kasi kami ng asawa ko. Sabi niya, makakatulong daw siya sa’min pero hihingian daw niya kami ng pera,” sabi ng asawa ng biktima. 

“Kasi naaawa din daw siya sa’min. Ganun na lang daw, parang mag-exchange kami,” dagdag niya. 

ADVERTISEMENT

Humingi sa kanila ng inisyal na P8 milyon hanggang P10 milyong piso ang lalaki kapalit ng tulong. 

Pero nagduda na rin sila sa kung papaano nito nalaman ang kanilang problema. 

“Sabi ko sa asawa ko, baka scam ‘yan... Nag-send nga siya na may picture kami ng family, ang inaano ko, bakit niya alam ‘yun,” kwento niya. 

Sa pangamba na baka masundan sila ng lalaki, dumulog sila sa NBI Cybercrime Division para magreklamo. 

Agad namang nahuli ang suspek na si alyas “Jerome” na nagpakilalang army reservist. 

ADVERTISEMENT

“Allegedly naging driver daw siya nitong ating complainant. Ang sinasabi ay dahil member daw siya ng AFP reservist at may name-mention din siya na ibang member ng law enforcement,” sabi ni Atty. Vanessa Asuncion, Executive Officer for Administration ng NBI CCD. 

Pero itinanggi ng biktima na nagtrabaho sa kanila si Jerome. 

Depensa naman niya, nagmalasakit lang siyang tumulong dahil kakilala niya ang driver na nakaalitan ng Chinese. 

Inamin rin niya na nanghingi siya ng pera dahil ilang buwan na siyang walang trabaho. 

“Hindi talaga ako nangingikil sa kanila. Sabi ko sa kanila, hingi lang ako ng konti kasi gusto ko ng lumipat ng bahay. Bale, tulungan na lang,” sabi ni Jerome. 

ADVERTISEMENT

“Hindi po tayo basta basta matutulungan ng kahit sino dahil meron tayong sinusunod na proseso sa korte,” payo ni Asuncion. 

Iniimbestigahan na ng NBI kung modus ng suspek ang panloloko sa mga dayuhan. 

Inaalam na rin nila kung isa talaga siyang army reservist. 

Nahaharap naman ang suspek sa mga reklamong estafa at usurpation of authority. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.