Construction worker patay matapos umanong pagsasaksakin ng katrabaho dahil sa sweldo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Construction worker patay matapos umanong pagsasaksakin ng katrabaho dahil sa sweldo

Dead on the arrival sa ospital ang isang 22-anyos na lalaki matapos umanong pagsasaksakin ng kanyang katrabaho sa Barangay Milagrosa, Carmona, Cavite.

Kinilala ng mga kaanak ang biktima na si Jayvon Nuevo, isang construction worker at residente sa lugar.

Ayon kay PLtCol. Jack Angog, officer-in-charge ng Carmona police, pauwi na umano mula sa inuman ang biktima at isa pang lalaki nang mangyari ang pananaksak noong Oktubre 31.

Napag-alaman namin na itong suspek at biktima ay magkasama sa trabaho. Construction silang parehas at magkaibigan. Noong gabing iyon, nag-iinuman sila, pauwi na sila and then pumasok sila sa maliit na daan biglang may nagsisisigaw, sabi ni Angog.

ADVERTISEMENT
Sabi ng mga witness natin tapos nakita na yung biktima na tumatakbo at hinahabol naman nitong ng suspek. Tapos nung nadapa ang biktima inundayan pa ng saksak tsaka tumakbo itong suspek, dagdag niya.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagtamo ng 12 saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Agad nagkasa ng hot pursuit operation ang pulisya kung saan natunton nila sa Camarines Norte ang suspek noong November 3.

Nag-conduct po tayo ng follow up operation and nag-hot pursuit na rin tayo kasi sa unang tinutuluyan nila ay wala yung suspek and then parang nagsabi [siya] kung saan possible pupunta ito Hindi talaga namin tinantanan ito hanggang may nagbanggit sa amin na umuwi daw sa Cam Norte sa barangay nila, sabi ni Angog.

Sabi ko sa mga operatiba namin na cooperative naman ang mga relatives so kausapin sila hanggang sa nakuha namin yung suspek.

Ayon sa magulang ng biktima, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa trabaho ang biktima at suspek.

Problema umano sa bigayan ng sweldo ang isa sa dahilan.

Parang may galit po nang dahil lang po sa sahod. Pero hindi naman po dapat siya [suspek] magalit dahil itong anak ko ay napag-utusan lang po ng foreman nila na anuhin yung sahod, kwentahin po kaso parang nagalit yung foreman po nila [kalaunan] kaya hinold po yung sahod nila. Dito na nagalit ang suspek sa anak ko, sabi ng magulang.

Ako poy nananawagan nga po sa lahat ng mataas na nanunungkulan po. Humihingi po ako ng tulong na bigyan po ng hustisya ang anak ko si Jayvon. Para po makulong na po talaga at hindi makalaya ang lalaking yan dahil baka hindi lang anak ko ang mawalan ng buhay, dagdag niya.

Sinusubukan pa ng ABS-CBN News na makuha ang panig ng suspek.

Nasa kustodiya na ng Carmona Municipal Police Station ang suspek na mahaharap sa reklamong murder.