Gov. Mandanas, handang kalabanin si Luis Manzano sa pagka-bise gobernador ng Batangas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gov. Mandanas, handang kalabanin si Luis Manzano sa pagka-bise gobernador ng Batangas

Naghain ng kaniyang kandidatura si Batangas Governor Hermilando Mandanas sa pagka-bise gobernador, kung saan makakatunggali niya ang TV host na si Luis Manzano. Dennis Datu, ABS-CBN News

MAYNILA -- Kumpiyansa si Batangas Governor Hermilando Mandanas na nasa kaniya pa rin ang suporta ng mga Batangueño sa kaniyang pagtakbong vice governor kung saan ay makakalaban niya ang TV host na si Luis Manzano.

Ayon kay Mandanas, hindi siya nangangamba na sikat na artista ang kaniyang makakatunggali dahil marami na siyang nagawang magagandang proyekto sa Batangas.

"Wala naman ako dahilan na kabahan sa totoo lang, dahil alam ko ang pangangailangan ng mga tao. Kailangan talaga nila ng tulong, andyan ang ating programa. Tayo ay nakakatulong at tutulong pa sa kalusugan, napakaraming may sakit," sabi ni Mandanas.

Naghain ng certificate of candidacy si Manzano nitong Miyerkules sa pagtakbong vice governor ng Batangas habang ang kaniyang ina na si Vilma Santos-Recto ay susubukan na muling makabalik na gobernadora.

"Iginagalang nila ako, ginagalang din naman natin sila. Kailangan kung sino may gusto, sige,“ sabi ni Mandanas.

Kongresista naman ng ika-6 na distrito ng Batangas ang tatakbuhan ng bunsong anak ni Santos-Recto na si Ryan Recto.

Samantala, nilinaw ni Mandanas na wala siyang inieendorso na tatakbong gobernador.

"Marami na gusto na gawin ako na vice nila, nakakahiya naman kung pipili ako ng isa sa kanila. Pero lahat ay pinasasalamatan ko dahil may laban din ako na vice. Siyempre hindi ko susuportahan yun mayroong vice, ang susuportahan ko yung walang vice, lahat ako ay ina-adopt bilang vice governor nila, aba ay dapat naman ay pasalamatan ko," sabi ng gobernador.

Bukod kay Santos-Recto, tatakbo rin gobernadora si Mataasnakahoy Vice Mayor Jay Ilagan at dating Padre Garcia Mayor Mike Rivera.