Cainta lubog sa baha dala ni Kristine | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Cainta lubog sa baha dala ni Kristine
Cainta lubog sa baha dala ni Kristine
Maria Tan,
ABS-CBN News
Published Oct 25, 2024 11:18 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nagising ang mga residente ng Executive Village sa Cainta, Rizal sa tanawin ng baha at pinsala matapos ng magdamag na ulan dala ni Severe Tropical Storm Kristine ngayong Biyernes. Bagama't hindi tuloy-tuloy ang ulan buong gabi, matindi ang dami nito tuwing bubuhos na nagsanhi ng malawakang pagbaha sa iba't ibang lugar ng Metro Manila.

Isa lamang ang Cainta sa mga bayan sa Metro Manila na sinalanta ni Kristine. Sa Executive Village, hindi pa humuhupa ang tubig kaya't kanya-kanyang paraan upang makalikas ang mga tao o kung hindi man ay kumuha ng tulong at magpatuloy ang mga residente ng kani-kanilang ginagawa habang iniinda pa ang epekto ng baha.

Inaasahang bahagyang hihina ang pag-ulan ngayong Biyernes habang patuloy na sa paglabas ng Philippine Area of Responsibility si Kristine.

Inaantabayanan naman ang magiging epekto ng isa pang tropical depression kay Kristine at kung magdadala pa ito ng mas maraming ulan sa bansa.