FACT CHECK: Hindi super typhoon ang bagyong Kristine | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Hindi super typhoon ang bagyong Kristine

FACT CHECK: Hindi super typhoon ang bagyong Kristine

ABS-CBN Investigative and Research Group

Clipboard

Taliwas sa mga post na kumakalat sa TikTok, nasa tropical storm category pa lamang ang bagyong Kristine at hindi isang super typhoon.

Sa mga video na ini-upload ng tatlong magkakaibang TikTok profile, makikita ang mga tekstong nakalapat sa video na nagsasabing super typhoon ang bagyong Kristine. Ang isa sa mga in-upload na video ay may teksto na 215kph lakas 270 kph bugso.”

Sa bulletin na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA alas dos ng hapon Miyerkules, namataan ang sentro ni Tropical Storm Kristine sa layong 155 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay ni Tropical Storm Kristine ang lakas ng hangin na 85 kilometers per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 105 kph. Kumikilos ito pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 30 kph. Sa pamantayan ng PAGASA, maituturing lamang na super typhoon ang isang bagyo kung aabot sa 185 kph at pataas ang hanging dala nito. 

ADVERTISEMENT

Inaasahang lalakas pa ang bagyo hanggang severe tropical storm category bago ito mag-landfall sa bandang Isabela ngayong gabi o hanggang bukas ng umaga Oktubre 24, 2024.

Maaaring lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Biyernes ng hapon o gabi. Posible pa itong lumakas at umabot sa typhoon category pagkatapos makalabas ng bansa.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 2 sa malaking bahagi ng Luzon, habang wind signal no. 1 naman sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Hindi bababa sa tatlong posts na may kabuuang 48.55K views at 335 likes ang nagpakalat ng maling impormasyon tungkol sa Tropical Storm Kristine.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X (formerly Twitter) account @abscbnfactcheck.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.