17 na foreign national nahuli sa raid sa 'scam hub' sa Makati | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
17 na foreign national nahuli sa raid sa 'scam hub' sa Makati

MAYNILA (UPDATED) — Isang apartment building na pinaniniwalaang “scam hub” ang sinalakay ng Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation sa Barangay Tejeros sa Makati City pasado alas-11 ng gabi nitong Biyernes.

Na-aresto sa operasyon ang 17 banyaga na mga empleyado umano ng naturang “scam hub”. Sa mga ito, 15 ay Chinese national at may isang Taiwanese at isang Malaysian.

Sa inisyal na impormasyon mula sa NBI, nakasentro umano ang modus ng mga na-aresto sa investment scam at cryptocurrency scam.

Na-rekober sa operasyon ang mga computer, cellphone, SIM card, at mga script na ginagamit umano ng mga naaresto sa kanilang modus.

Sa apartment na na raid din nakatira ang mga empleyado ng sinasabing scam hub, ayon sa NBI.

Ayon sa isang 28-anyos na Pilipino na kitchen helper sa apartment, wala siyang ideya na iligal ang ginagawa ng mga nakatira rito.

"Kami po ‘yong naghahatid ng pagkain kada kuwarto. Bawal po kaming makialam pero nakikita po namin na may mga computer sa mga kuwarto," kwento niya.

"Nanlulumo lang kasi hindi pa kami nakakasahod tapos ganito. Ang alam ko lang po kitchen, magluluto, ganyan. ‘Yon pala ganito po pala. Iligal pala ito… sana sa matino na lang ako pumasok," dagdag niya.

Inaalam pa ng NBI kung saang lugar nagmumula ang mga kliyente ng mga naaresto.

Ipinapasara na ng pamahalaan ang mga Philippine Offshore Gaming Operators, na pinaniniwalaang may kaugnayan ang ilan sa mga scam operations, pati na rin sa human trafficking at torture.

KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT