2 kawatan timbog sa Las Piñas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 kawatan timbog sa Las Piñas
2 kawatan timbog sa Las Piñas
Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Dec 31, 2019 05:05 AM PHT
|
Updated Dec 31, 2019 07:46 PM PHT

LAS PIÑAS - Arestado ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na insidente ng pagnanakaw sa Chinese store.

Sa tulong ng kuha ng CCTV, nakilala at naaresto nitong Lunes ang 30 anyos na suspek na si Jaime Ursua matapos nakawan umano ang isang Chinsese grocery store sa Alabang-Zapote road sa Barangay Almanza Uno.

Ayon kay Ursua, inudyok lang siya ng kaibigan na gawin ang panghoholdap para may panggastos siya sa pamilya sa Bagong Taon.

Nakuha sa kanya ang patalim, cellphone at isang sachet ng shabu. Hindi na nabawi ang P10,000 na kinuha sa sugatan na kaherong Chinese.

Pinaghahanap pa ang kasabwat ng nahuling suspek.

Arestado rin ang 25 anyos na si Gervin Altarejos, Linggo ng gabi, matapos pagnakawan din umano ang isang Chinese food delivery store.

Nakilala rin si Altarejos sa CCTV footage na nagmamaneho ng motorsiklo kaangkas ang kinakasama at anak-anakan niya.

Nabawi sa kanya ang 4 na cellphone, 1 gold necklace, mga personal na gamit, at bawas na perang nagkakahalaga dapat na P25, 000.

Ayon kay Altarejos, nagawa niya lamang ito dahil sa personal na galit sa may-ari ng food delivery store na Chinese. Dalawang linggo siyang nagtrabaho roon bilang delivery rider, pero mababa umano ang kanyang sahod at hindi maayos ang pakikitungo sa kanya ng amo.

Parehong nahaharap ang mga nahuling suspek sa kasong robbery, at may dagdag na kaso laban kay Ursua dahil sa nakuhang patalim at droga sa kanya.