Prusisyon ng Nazareno, isinagawa bilang pasasalamat sa nagdaang taon

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2017 07:52 AM | Updated as of Jan 04 2018 04:46 PM

MANILA - Inilabas ang imahen ng Itim na Nazareno alas dos ng madaling araw ng Linggo at ipinrusisyon sa Maynila bilang pasasalamat sa nagdaang taon.

Bago ito, nagtipon na ang mga deboto sa harap ng Plaza Miranda.

Isang maikling panalangin ang isinagawa bago inilabas ang Nazareno.

Paglabas nito, agad nag agawan sa lubid ang mga deboto at nagkatulakan.

Inilibot ang Nazareno sa mga kalsada at tinatayang aabot ng sampu hanggang labindalawang oras ang prusisyon.

Mabagal ang takbo ng andas dahil sa dami ng mga tao.

Ayon sa mga deboto, sasama sila ulit sa mas malaking prusisyon sa January 9.

Ang thanksgiving procession ay ang simula ng pagdiriwang ng Traslacion ng Poong Itim na Nazareno na isasagawa sa January 9 at taun-taong dinarayo ng milyun-milyong deboto.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.