Suspek sa pag-kidnap sa 6 Chinese, 3 Pinoy sa Muntinlupa arestado | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Suspek sa pag-kidnap sa 6 Chinese, 3 Pinoy sa Muntinlupa arestado

Suspek sa pag-kidnap sa 6 Chinese, 3 Pinoy sa Muntinlupa arestado

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking sangkot umano sa pagdakip sa 6 Chinese national at 3 Pinoy sa Muntinlupa City.

Ayon sa pahayag na inilabas ng Philippine National Police - Anti-Kidnapping Group, naaresto ang suspek na si alyas "Alfred" nitong Disyembre 28 sa Barangay Putatan.

Si Alfred umano ang nagmaneho ng sasakyang ginamit sa pag-dakip sa mga biktima.

Isang buwan umanong minanman ng mga awtoridad ang suspek bago gawin ang follow-up operation.

ADVERTISEMENT

"The AKG able to collate all information and revelation made by one of the witnesses in the said case as well as the other evidence pointing out the identity and role of the suspect in the tragic crime," anila sa pahayag.

Nadakip ang mga biktima nitong Oktubre 30 sa kanilang bahay sa Muntinlupa.

Na-release ang tatlong Pinoy habang natagpuang patay ang apat na Chinese sa iba't ibang lugar sa Rizal at Quezon nitong Nobyembre.

Pinaghahanap pa kung nasaan ang dalawa pang Chinese na dinakip.

Nahaharap na sa kasong murder at carnapping ang suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.