Paggamit ng mga alternatibong pampaingay kaysa paputok hinimok | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paggamit ng mga alternatibong pampaingay kaysa paputok hinimok

ABS-CBN News
Published Dec 30, 2018 03:52 PM PHT

Hinikayat ng grupong EcoWaste Coalition ang publiko na gumamit ng mga alternatibong pampaingay sa pagsalubong ng Bagong Taon sa halip na mga paputok.

Bukod sa delikadong gamitin, itinuturing din ng EcoWaste Coalition ang mga paputok bilang air pollutants o nagdudulot ng polusyon sa hangin, at hazardous waste o basurang may peligro sa kalusugan at kapaligiran.

"Wag nang gumamit ng paputok o ano mang pailaw. Napakadelikado nito sa kalusugan at sa ating kalikasan," sabi ni Thony Dizon, chemical safety campaigner ng EcoWaste Coalition.

"Napakalaking gastos din... ilaan na lang nila 'yong pera sa paghahanda para maging mas masaya," dagdag ni Dizon.

ADVERTISEMENT
Kasama ng EcoWaste Coalition nitong umaga ng Linggo ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Boy Scouts of the Philippines at ilang residente ng Maynila sa pagsulong ng kampanya kontra paputok na "Iwas PapuToxic" sa Malate.

Ilan sa mga ibinidang alternatibong pampaingay ang mga takip ng kaldero at mga lata na nilagyan ng bato.

Umabot sa 463 ang bilang ng firecracker-related injuries o mga taong nagtamo ng injury bunsod ng pagpapaputok sa pasalubong ng Bagong Taon nitong 2018, ayon sa Department of Health. Kabilang dito ang 248 mula National Capital Region. --Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
pampaingay
paputok
Bagong Taon
EcoWaste Coalition
Philippine National Police
Bureau of Fire Protection
Boy Scouts of the Philippines
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT