Anim namatay sa sunog sa Quiapo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Anim namatay sa sunog sa Quiapo
Anim namatay sa sunog sa Quiapo
ABS-CBN News
Published Dec 29, 2022 05:23 PM PHT

MAYNILA - Anim - kabilang ang limang magkakamag-anak- ang namatay sa sunog na sumiklab sa Quiapo, Maynila madaling araw ng Huwebes.

Aabot sa 50 estraktura ang natupok ng apoy sa sunog sa Arlegui St., kabilang ang barangay hall ng Barangay 387 , maging ang day care na nasa ibaba nito.

"Medyo mabilis yung sunog kasi light materials. Kapag light materials sigurado yan, mabilis yung takbo," ani Manila Fire Distrct marshall Crosbee Gumowang.

Umabot ng halos 6 oras bago madeklarang fire out ang sunog pasado alas-8 ng umaga.
Umabot ng halos 6 oras bago madeklarang fire out ang sunog pasado alas-8 ng umaga.
ADVERTISEMENT
Sa loob ng iisang gusali nakita ang labi ng anim na patay, kung saan lima ay mga kaanak ng isang Lalaine Perito.

Kasama sa mga namatay ang 12 anyos na kambal niyang anak, 5 anyos na pamangkin, kapatid na babae at ang kaniyang bayaw.

"Gising na silang lahat, hinahawakan na sila ng mother ko para dun na dumaan sa bubong may sumabog na eh na super kalan. Eh hindi na rin po ako maakakyat kasi apoy na po talaga," ani Perito.

Tinanggap na lang ni Perito na hindi na makukumpleto ang kaniyang pamilya sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sasagutin naman ng barangay at ibang lokal na opisyal ang gastos at burol sa pagpapalibing sa mga biktima.