Mga habing tela mula Abra, ibinida ng dalawang Pinay artists sa Switzerland | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga habing tela mula Abra, ibinida ng dalawang Pinay artists sa Switzerland

Mga habing tela mula Abra, ibinida ng dalawang Pinay artists sa Switzerland

Mye Mulingtapang | TFC News Switzerland

Clipboard

ZURICH - Bumida ang mga damit na gawa mula sa telang habi ng Abra sa katatapos na fashion event sa Berne, Switzerland noong October 31,2021.

Dalawang Pinay artists ang nagsanib-pwersa para ipakita ang makukulay at natatanging habi mula sa Pilipinas sa kanilang tatlong collections.

Likhang PInay
Images courtesy of Pamela Hupp

Una ang PamPinay Curated Treasures kasama rito ang ikats at scarves, Ikalawa ang PamPinay Cordillera inspired collection, at ang PamPinay Couture Collaboration kasama ang mga likha ni Vorge Fitzgerald Cunanan.

Pampinay collection
Images courtesy of Pamela Hupp

Sustainable fashion na tatak Pinoy, mga katutubong yari na ipinagmamalaki ang mayamang kultura at pagkamalikhain ng mga Pilipino; ‘yan ang naging bunga ng kolaborasyon ng dalawang Filipina artists na sina Pamela Gotangco Hupp mula sa Zurich, Switzerland at Christian Belaro mula London.

ADVERTISEMENT

“I started anchoring my art on my advocacies. One is to empower all women and girls. Second is to promote Filipino culture, heritage and tradition in a global setting, and the third is to unite Filipino migrants abroad by highlighting the beauty of our culture,” sabi ni Pamela Gotangco Hupp, co-founder ng Pampinay.

“We do promote a lot of advocacies especially empowering women also helping indigenous women in the mountain and during the pandemic, we know a lot of women also lost their jobs or they can’t do anything there’s no capacity for them to do livelihood,” sabi ni Christian Belaro, co-founder ng Pampinay.

Ang materyales na ginamit nina Hupp at Belaro ay indigenous weaves na gawa ng mga kababaihang katutubo sa Pilipinas. Tampok sa maiden collection ang Binakol weaves.

Binakol

Nagbigay daan ito para magkaroon ng dagdag na mapagkakakitaan ang mga kababayang manghahabi ng Abra, bukod pa sa pagpapatuloy ng tradisyon ng paghahabi sa bansa.

Pagtutulungan
Images courtesy of Pamela Hupp

“It should follow a slow fashion approach so at least we could make it different and it should reflect Filipino culture and humor,” dagdag ni Pamela Gotangco- Hupp, co-founder ng Pampinay.

Isinusulong din nila ang isang livelihood training program para sa mga mananahi. Makikita sa terno-inspired pieces, balabal, at iba pang gawang damit ang custom print at Filipino humor na simbolo din ng women empowerment at pagpapahalaga sa kultura at tradisyong Pinoy, tulad ng mga nasa larawan.

Pinay humour
Image courtesy of Pamela Hupp

Pinay humour sa fashion
Image courtesy of Pamela Hupp

Nakakatawang mga disenyo
Image courtesy of Pamela Hupp

Sa kabila ng pandemya ay naipakita nina Hupp at Belaro ang angking galing, talento at determinasyon ng mga kababaihan, na ang tatak daw ng Pinay.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa at Gitnang-Silangan tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.