Angeles City LGU, namimigay ng libreng kabaong sa mahihirap | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Angeles City LGU, namimigay ng libreng kabaong sa mahihirap

Angeles City LGU, namimigay ng libreng kabaong sa mahihirap

ABS-CBN News

Clipboard

Libreng kabaong ang ipagkakaloob ng lokal na pamahalaan ng Angeles, Pampanga sa mga mahihirap na pamilya sa lungsod na mamamatayan ng mahal sa buhay. Courtesy: Angeles City Information Office
Libreng kabaong ang ipagkakaloob ng lokal na pamahalaan ng Angeles, Pampanga sa mga mahihirap na pamilya sa lungsod na mamamatayan ng mahal sa buhay. Courtesy: Angeles City Information Office

PAMPANGA- Hindi na poproblemahin ng mga Angeleños na kabilang sa mga mahihirap ang kabaong sakaling mamatayan.

Libreng kabaong ang ipagkakaloob ng lokal na pamahalaan ng Angeles, Pampanga sa mga mahihirap na pamilya o ang mga miyembro ng indigent communities sa siyudad, anunsiyo nito sa isang pahayag.

Nagkakahalagang P10,000 ang kabaong na ipagkakaloob nang libre sa mga kwalipikadong pamilya.

Hindi man pangkaraniwan pero ayon sa siyudad, ito daw ang realidad kung saan ilan sa mga kababayan ang humaharap sa pagsubok na walang perang pambili ng kabaong para sa kanilang yumaong mahal sa buhay.

ADVERTISEMENT

“It may sound unusual, but this is the reality. May mga kababayan po tayo na humaharap sa pagsubok na walang perang pampalibing o pambili ng kabaong para sa namatay nilang mahal sa buhay,” ani Angeles Mayor Carmelo Lazatin Jr. sa pahayag.

Ayon sa Angeles City Public Cemetery officer na si Philip Samson, dapat lang magpresinta ng mga kaukulang dokumento tulad ng Death Certificate, Barangay Certificate of Indigency, at City Social Welfare and Development Office referral letter ang mga nais mag-avail.

“Ang makakapag-avail po ay yung mga namatay na indigent na sinasabing poorest of the poor, 'yung walang kakayahan na makapagbayad ng casket sa private funeral home,” ani Samson.

Sabi naman ni Lazatin na may 62 pang available na mga kabaong, pero dadagdagan pa ito pagdating ng 2022.

—Ulat ni Trisha Mostoles

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.