Mangingisdang wala umanong safety gear nalunod sa Negros Occidental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2019 11:02 PM | Updated as of Dec 29 2019 12:04 AM

SIPALAY, Negros Occidental—Nalunod ang isang mangingisda habang sumisisid sa Campomanes Bay, Barangay Maricalum, sa lungsod na ito Sabado ng umaga.

Ayon kay Dionelo Bogtae ng Sipalay Emergency Assistance and Rescue Services, sumisid si Marlon Banlos, 36, kasama ang kaniyang mag-ina bago siya natagpuang patay ng mga rescuer.

Maliban sa improvised fishing gear ay walang dalang safety equipment ang biktima dahil sanay naman daw ito sa kaniyang hanapbuhay.

Pero maaaring wala rin ito sa kondisyon nang mangyari ang insidente, ani Bogtae.

Iniimbestigahan pa ang naturang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.