Suplay ng mga paputok sa Bocaue 'kinakapos' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Suplay ng mga paputok sa Bocaue 'kinakapos'

ABS-CBN News
Published Dec 28, 2018 07:19 PM PHT
|
Updated Jul 08, 2019 02:12 PM PHT

Posibleng hindi na umabot sa Linggo ang suplay ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan ayon sa mga negosyante doon.

Pero hindi umano ito dahil sa pamamakyaw ng mga mamimili kundi sadyang kapos talaga ang idine-deliver na suplay ng mga manufacturer.

"May pambili na, nahihirapan ka pa dahil wala 'yung kada tanong mo, wala na, wala nang stock, nagkakaubusan nga," ayon sa konsumer na si Gener Yutok.

Bukod pa sa walang mabili, dumoble pa daw ang presyo ng maraming klase ng paputok.
Bukod pa sa walang mabili, dumoble pa daw ang presyo ng maraming klase ng paputok.
ADVERTISEMENT
PRESYO NG MGA PAPUTOK SA BOCAUE:
- Imported jumbo fountain → P150 mula sa P80
- Kwitis → P5/piraso mula sa P2.50
- Aerial na paputok → P700 o P1,000 mula sa dating P500
- Five Star → P40 hanggang P50/100 piraso mula sa dating P25
- Local fountain → P25 hanggang P30 mula sa dating P15
- Roman candle → P4/piraso mula sa dating P2.50/piraso

Ayon sa mga may-ari ng tindahan ng paputok sa Bocaue, wala silang stock dahil walang binibigay sa kanila ang mga supplier.

Marami din daw ang bumibili online kaya lalong matumal ang benta.
Dati ay nasa 200 ang tindahan ng paputok sa Bocaue pero ngayon taon ay nasa 71 na lang ang bukas.
Nitong Biyernes, nag-inspeksiyon si Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde sa mga tindahan ng paputok para tingnan kung may permit sila at hindi nagbebenta ng ilegal.

"Expect lower casualties from firecracker-related injuries this year, as more people adhere to government's drive to minimize the use of firecrackers," ayon kay Albayalde.

Paalala naman ng mga awtoridad sa mga bibili ng paputok, matitiyak na lehitimo ang mga produkto kapag may product quality seal ito sa label, may pangalan ng manufacturer, at address nila.
Dapat din ay may instructions ito kung papaano gamitin.

MGA ALTERNATIBO SA PAPUTOK
Dahil kulang sa suplay ng mga paputok, maaaring gumamit ng mga mas ligtas na alternatibo tulad ng pito at torotot para salubungin ang 2019.

Pero kahit na "mas ligtas" ang mga ito kumpara sa mga paputok, may paalala rin ang Department of Health (DOH) sa mga naturang pampaingay dahil itinuturing itong "choking hazard."

Aminado din ang DOH na hindi pa rin mawawala ang mga pasaway na magpapaputok sa Bagong Taon. Katunayan, nasa 40 firework-related injuries na ang kanilang naitatala sa buong bansa.
Ilan sa mga ito ang nakalunok ng paputok o di kaya'y naputulan na ng daliri.
Pinakadelikadong malunok lalo na ng mga bata ang mga kemikal mula sa watusi at piccolo.

"Iyung chemicals napupunta sa kamay ng mga bata so pagkatapos maglaro, pag kakain, maaari mo itong ma-ingest and it can go into your system... Ang mga batang maliliit, maliit lang din na dosage ang kailangan para maging toxic at fatal sa kanila," babala ni DOH undersecretary Eric Domingo.

Isa sa mga first-aid kapag nakalunok ng watusi at piccolo ang paglunok ng di bababa sa anim na egg white.
Pero babala ng DOH, huwag itong gawin sa bahay at sa halip ay ipaubaya na ito sa mga doktor.

"Mahirap 'yung dun ka pa maghahanap at hihiwalayin pa 'yung egg whites. At mahirap talaga ipainom sa bata no, at maaaring mag-induce pa ng pagsusuka. So it's better done, 'yung treatment and management sa setting ng hospital. Dalhin nila 'yung balot o tira para alam natin kung gano karami 'yung nakain niya." ani Domingo.

Paalala ng DOH, bago bumili o magsindi ng kahit anong paputok ay isipin ang kinabukasan.

—Ulat nina Raphael Bosano at Jeck Batallones, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT