2 umanong ‘CPP-NPA leader na wanted sa kidnapping, murder’ huli sa Quezon | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 umanong ‘CPP-NPA leader na wanted sa kidnapping, murder’ huli sa Quezon

2 umanong ‘CPP-NPA leader na wanted sa kidnapping, murder’ huli sa Quezon

ABS-CBN News

Clipboard

Naaresto sa Atimonan, Quezon nitong Sabado ang 2 umanong leader ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), sabi ng Philippine National Police (PNP).

Sa ulat, kinilala ng PNP ang mga suspek bilang sina Ruel Custodio o alyas “Baste”, at Ruben Istokado o alyas “Oyo” at “Miles,” na wanted para sa mga reklamong kidnapping at murder.

Nakuha mula sa 2 suspek ang 2 granada, 3 handgun, at sari-saring ammunition, ayon sa PNP.

Ayon sa PNP, si Custodio ay finance officer ng Southern Tagalog Regional Party na responsable sa pangongolekta ng “revolutionary taxes” sa Quezon province. Respondent umano siya ng magkahiwalay na kaso ng kidnapping at illegal possession of firearms, na inihain noong 2019.

ADVERTISEMENT

Isa naman umanong political instructor si Istokado para sa Komiteng Probinsya 1 ng Bicol Regional Party Committee. Respondent din siya ng magkahiwalay na kaso ng double murder at multiple murder, na inihain noong Setyembre 2014.

Sumasailalim na sa booking procedure ang mga suspek sa Lucena City bago sila ipresenta sa korte, ayon sa PNP.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.