Halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng Ursula, higit P600 milyon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng Ursula, higit P600 milyon

ABS-CBN News
Published Dec 27, 2019 08:01 PM PHT

MAYNILA—Umabot sa P633.72 million ang halaga ng pinsalang dulot ng Bagyong Ursula sa agrikultura at agri-fisheries sa Mimaropa, Western Visayas at Eastern Visayas, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ayon sa datos ng DA, katumbas ito ng 969 metric tons na production loss, kung saan naapektuhan ang aabot sa 4,100 hektarya ng lupa at higit 44,000 na mga magsasaka at mangingisda.

Umabot na sa P633.72 million ang halaga ng pinsalang dulot ng Bagyong Ursula sa agrikultura at agri-fisheries sa MIMAROPA, Regions 6 at 8, ayon sa Department of Agriculture @DZMMTeleRadyo @ABSCBNNews pic.twitter.com/1JsBAMYYr7
— Maria Arra Perez (@arraperezDZMM) December 27, 2019

Mga tanim na palay, mais, mga palaisdaan at agri-facilities ang mga pangunahing naapektuhan ng bagyo.

Para sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyo, may inilaang P60 milyon na emergency loan ang Agricultural Credit and Policy Council. Pinoproseso na din ang crop insurance sa ilalim ng Philippine Crop Insurance Corp.

Mamimigay ang DA field offices sa Visayas ng 8,532 bags ng rice seeds, 4,622 bags ng corn seeds, at 1,843 kilong high-value crops seed reserves.

Ayon sa DA, patuloy ang field validation upang makapagbigay ng karagdagang ulat sa lawak ng pinsalang dulot ng Ursula.

May 20 tao ang nasawi at marami pang iba ang nasaktan sa paghambalos ni Ursula nitong linggo sa bansa, partikular na sa Visayas. — Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Read More:
Regional news
Tagalog news
Mimaropa
Eastern Visayas
Western Visayas
Central Visayas
Bagyong Ursula
typhoon
storm
bagyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT